Senakulo

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Kung nais ninyong mabása ang tekstong nakasulat sa Ingles, pindutin ang Senakulo.

Senakulo sa daan

Ang Senakulo ay tradisyonal na pagsasadula ng mga pangyayari hinggil sa mga dinanas ni Hesukristo bago at pagkaraang ipako siya sa krus. Hango ang nasabing tradisyon sa Bibliya at iba pang tekstong apokripa. Kadalasang ginaganap ito sa lansangan o kaya'y sa bakuran ng simbahan. Ang magkakaibigan, magkakamag-anak, at magkakababayan ay magkikita-kita upang panoorin at palakasin ang loob ng mga tauhan sa dula. Ang mga kasuotan ng mga gumaganap ay ginagad sa suot ng mga kawal na Romano at iba pang personalidad at kasaysayan at may matitingkad na kulay. Ang mga manonood naman ay may baong sariling upuan at pagkain upang hindi sila mainip sa panonood. Karaniwan ding makikita ang iba't ibang tindahan na nakapaligid sa pinagdarausan ng senakulo. Hindi man atentibo sa panonood ang ilang tao ay madali pa ring masundan ang takbo ng pagsasadula sapagkat pamilyar ang bawat mga eksena.

Mga nilalaman

[baguhin] Makabagong Bersiyon

Sa mga ibang lugar, ay mayroon nang makabagong bersiyon ng senakulo, tulad ng sa Morong, Rizal. Tatlong araw ginaganap ang senakulo dito. Nagsisimula sa araw ng Miyerkoles Santo at nagtatapos sa araw ng Biyernes Santo. Kabataang mahuhusay sa pag-arte ang gumaganap dito na siyang dahilan upang dayuhin at makaakit ng mga taga ibang lugar. Hinahaluan na rin ng komedya, pagliligawan, at epektong biswal ang makabagong bersiyon ng senakulo.

[baguhin] Senakulo sa Mandaluyong

Senakulo sa Morong, Rizal

Ang tradisyonal na bersiyon ng Lungsod Mandaluyong ay tinatampukan ng mga residente ng barangay na walang pormal na kaalaman sa teatro ngunit may talento sa pag-arte. Karamihan sa gumaganap ay mga estudyante, matanda, maybahay, at tsuper ng traysikel. Karamihan din sa mga gumaganap ay mula sa ikatlo at ikaapat ng henerasyon ng mga dating nagsiganap mula pa noong 1965. Ang kanilang pagsali ay panata na nagmula pa sa kanilang mga ninuno.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.