Senador ng Pilipinas

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Kung nais ninyong mabása ang tekstong nakasulat sa Ingles, pindutin ang Senator of the Philippines.

Ang Senado ng Pilipinas ay ang itaas na kapulungan ng lehislaturang bikameral ng Pilipinas, ang Kongreso ng Pilipinas. Hindi tulad ng Senado sa Estados Unidos, ang Senado ng Pilipinas ay binubuo ng 24 na senador na inihalal hindi mula sa anumang partikular na distrito o lugar. Sila ay pinili sa pamamagitan ng pambansang halalan.

Ang mga senador ay naglilingkod sa anim na taong termino, na ang kalahati sa kanila ay inihahalal kada 3 taon. Sa ganitong paraan, ang Senado ay nagpapatuloy lamang. Nang ibinalik ang Senado sa pamamagitan ng 1987 Saligang-Batas, ang 24 na senador na inihalal noong 1987 ay nagsilbi hanggang 1992. Noong 1992, ang 12 na kandidato para sa Senado na nakakuha ng pinakamataas na bilang ng mga boto ay nagsilbi hanggang 1998, habang ang susunod na 12 na kandidato ay nagsilbi hanggang 1995 lamang. Pagkatapos noon, ang bawat senador na inihalal ay naglilingkod ng buong 6 na taon.

Ang Senado ay ang tanging sangay ng gobyerno na awtorisadong magpatibay ng mga kasunduan.

Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan ng Senado

Mula 1907-1916, ang Philippine Commission na pinamumunuan ng Gobernador-Heneral ng Amerika ang nagsilbing itaas na kapulungan ng lehislaturang kolonyal at kasabay nito ay ang paggamit ng eksekutibong kapangyarihan. Noong Agosto 29, 1916 ang kongreso ng Estados Unidos ay nagpatupad ng "Philippine Autonomy Act" o mas kilala sa tawag na "Jones Law" na nagbigay daan para sa paglikha ng isang bikameral na kongreso sa Pilipinas kung saan ang Senado ang nagsilbi bilang itaas na kapulungan habang ang Kapulungan ng mga Kinatawan (House of Representatives) ang nasa ibaba nito. Hinikayat ni dating pangulong si Manuel L. Quezon si Speaker Sergio Osmeña na tumakbo para sa senado, ngunit pinili ni Osmeña ang pamumuno sa mababang kapulungan. Tumakbo si Quezon bilang senador at naging Presidente ng Senado sa sumunod na 19 taon (1916-1935).

Ang ganitong pamamaraan ay nagpatuloy hanggang 1935, nang ibinigay ang "Philippine Independence Act" o ng "Tydings-McDuffie Act" ng Kongreso ng Estados Unidos na nagkaloob sa mga Pilipino ng karapatang bumuo ng kanilang sariling saligang-batas sa paghahanda para sa kanilang kalayaan, kung saan sila ay nagtatag ng isang unikameral na Pambansang Asemblea, na tuluyang magtatanggal sa Senado. Hindi nagtagal matapos maipatupad ang 1935 Saligang-Batas, nagsimula nang magmungkahi ng mga susog. Pagdating ng 1938, isinaalang-alang na ng Pambansang Asemblea ang mga panukala, kung saan kasama ang pagbabalik sa Senado bilang itaas na kapulungan ng Kongreso. Ang susog sa Saligang-Batas ng 1935 na magkaroon ng isang bikameral na lehislatura ay na-aprubahan noong 1940, at ang unang halalan para sa naibalik na Senado ay ginanap noong Nobyembre 1941. Nagsimulang magtipon ang Senado noong 1945 at nagsilbi bilang itaas na kapulungan ng Kongreso hanggang sa deklarasyon ng batas militar ni dating pangulong Ferdinand Marcos noong 1972, kung saan sinara ang Kongreso. Ang Senado ay binuhay muli noong 1987 sa pagpapatibay ng 1987 Saligang-Batas.

Mula 1916 hanggang 1935, ang Pilipinas ay nahati sa 12 na distritong pang-senado, ang bawat distrito ay binubuo ng ilang probinsya at ang bawat isa ay naghahalal ng 2 Senador maliban sa mga hindi Kristiyanong probinsya kung saan ang Gobernador-Heneral ng Pilipinas ang nagtatalaga ng mga senador para dito. Ngunit ito ay itinigil noong 1941 nang muling itinatatag ang Senado, kung saan ang lahat ng senador ay inihalal sa pambansang batayan. Ang Senado mula 1916 hanggang 1935 ay mayroong ekslusibong karapatan sa eksekutibong katungkulan. Bilang bahagi ng kompromiso na nagbalik sa Senado noong 1941, ang kapangyarihang tiyakin ang eksekutibong katungkulan ay ginamit ng pinagsamang Commission on Appointments na binubuo ng mga kasapi ng parehong kapulungan. Gayunman, simula nang maibalik ang Senado at ang kalayaan ng Pilipinas noong 1946, ito lamang ang may kapangyarihan upang magpatibay sa mga kasunduan.

Sa Senado, ang mga opisyal ay ang Presidente ng Senado, Presidente ng Senado pro tempore, Majority Floor Leader, Minority Floor Leader at ang Kalihim ng Senado.

[baguhin] Komposisyon

Ang Artikulo VI, Seksyon 2 ng 1987 Saligang-Batas ng Pilipinas ay nagsasabi na ang Senado ay dapat na binubuo ng 24 na senador na inihalal ng pangkalahatang mga kwalipikadong botante ng Pilipinas.

Ang komposisyon ng Senado ay mas maliit sa bilang kung ihahambing sa bilang ng mababang kapulungan. Ang makatwirang paliwanag para sa mga patakaran na ito ay gawing pulong ng paghubog ang Senado para sa mga magiging pambansang lider at marahil isang pambuwelo para sa pagkapangulo.

Kasunod nito, ang pagkakaroon ng isang senador ng pambansang suporta, ay magkakaroon din siya ng mas malawak na pananaw sa mga problema ng bansa, sa halip na malimitahan ng makikitid na pananaw at interes. Sa ganoong perspektibo, ang Senado ay magiging mas banayad, o hindi magiging mapusok, kaysa sa Kapulungan ng mga Kinatawan.

Ang mga kandidato sa pagka-senador ay pinipili ng mga lider ng mga malalaking partidong pulitikal o alyansa ng mga partido. Ang proseso ng pagpili ay hindi lantaran at ito ginagawa ng patago, kung saan karamihan ng usapang politika ng mga partido ay nangyayari. Kaya ang kawalan ng rehiyonal na representasyon sa Senado ay nagpapalala sa mabigat na sistema ng pamamahala, na ang kapangyarihan ay sentralisado sa Metro Manila. Ito ay madalas na nai-mumungkahi na ang bawat rehiyon ng bansa ay dapat na humirang ng kanyang sariling (mga) senador para mas maayos na representasyon sa mga tao. Ito ay magkakaroon ng epekto sa pagbalanse ng istraktura ng kapangyarihan . Ang mga problema at mga intindihing pang-rehiyonal sa loob ng pambansang pananaw ay mas epektibong matutugunan. Ang trabaho at pananagutan ng isang senador ay magiging makabuluhan sa isang mas tukoy na rehiyon at mas kilalang taga-suporta.

[baguhin] Mga kwalipikasyon

Ang mga kwalipikasyon para sa pagiging kasapi ng Senado ay sinabi sa Seksyon 3, Artikulo VI ng 1987 Saligang-Batas ng Pilipinas tulad ng sumusunod:

  • Walang maaaring maging isang senador maliban kung siya ay isang likas-ipinanganak na mamamayan ng Pilipinas, at sa araw ng halalan, ay hindi bababa sa 35 taong gulang, marunong magbasa at magsulat, isang rehistradong botante, at isang residente ng sa Pilipinas na hindi bababa sa dalawang taon pagkatapos ng araw ng halalan.
  • Ito ay karapat-dapat na tandaan na ang edad ay nakatakda sa 35 at dapat niyang angkin sa araw ng halalan, iyon ay, kapag ang mga lugar ng botohan ay binuksan at ang mga balota ay ibinigay na, at hindi sa araw ng pagpapahayag ng mga panalo ng board of canvassers.
  • Tungkol sa mga kinakailangan sa paninirahan, ito ay pinasiyahan sa kaso ni Lim v. Pelaez na ito ay dapat na ang mga lugar na kung saan ang kandidato ay laging umuuwi at kung saan siya, matapos ang pagliban, may intensyong bumalik.
  • Ang enumerasyon na inilatag ng 1987 Saligang-Batas ng Pilipinas ay eksklusibong nasa ilalim ng prinsipyong Latin na expressio unius est exclusio alterius. Ito ay nangangahulugan na ang Kongreso ay hindi na maaaring magdagdag pa ng mga kwalipikasyon maliban sa mga ibinigay ng 1987 Saligang-Batas ng Pilipinas.

[baguhin] Mga kilalang senador

[baguhin] Mga kasalukuyang senador

Mga senador ng ika-14 na Kongreso ng Pilipinas.

[baguhin] May terminong magtatapos sa Hunyo 30, 2010:

[baguhin] May terminong magtatapos sa Hunyo 30, 2013:

[baguhin] Panlabas na Kawing

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.