Sawikaan: Pambansang Kumperensiya sa Salita ng Taon

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sa Sawikaan nagsasama-sama ang mga guro, mananaliksik, dalubwika, manunulat at iba pang may interes at malasakit sa wikang Filipino upang piliin ang Salita ng Taon. Limang taon na itong ginaganap sa Pulungang Claro M. Recto, Bulwagang Rizal ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman. "Canvass" ang pinakaunang napiling Salita ng Taon noong 2004, na sinundan ng "Huweteng" (2005), "Lobat" (2006), "Miskol" (2007) at "Jejemon" (2010).

Nagsisimula ang proseso ng pagpili sa pamamagitan ng isang imbitasyong ipinakakalat ng Filipinas Institute of Translation (FIT), ang tagapangasiwa ng Sawikaan. Maaaring magsumite ng mungkahing salita ang sinuman, kasama na ang etimolohiya at maikling paliwanag hinggil sa kahalagahan ng napiling salita. Pagkatapos, isang komiteng binubuo ng mga kinatawan mula sa FIT at mga katuwang na institusyon gaya ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining, UP Institute of Creative Writing, Blas F. Ople Foundation, Department of Education at Commission on Higher Education ang magpapasya kung alin sa mga mungkahi ang karapat-dapat para sa kumperensiya. Pagkatapos, padadalhan ng sulat ang mga nagmungkahi ng napiling salita upang makapaghanda ng isang pangkumperensiyang papel na babasahin sa araw ng Sawikaan.

Kapag nabasa na ang lahat ng papel, boboto ang lahat ng dumalo sa kumperensiya para matukoy ang gagawaran ng Pinakamahusay na Presentasyon, at ang tatlong salitang pagpipilian ng komite ng Salita ng Taon.

Simula noong 2005, sa Sawikaan rin ginaganap ang paglulunsad ng isina-aklat na bersiyon ng mga papel na binasa sa naunang Sawikaan. Imbitado sa paglulunsad na ito ang mga nagbasa ng papel noong nakaraang taon, kung saan nakatatanggap sila ng libreng kopya ng aklat.

Si Jelson Capilos habang binabasa ang kanyang papel tungkol sa Tarpo (paglalaro sa "trapo" at "tarpaulin"). Pansinin ang pinasadyang tarpaulin na ipinaskil niya bago magbasa. Siya ang ginawaran ng Pinakamahusay na Presentasyon noong 2010.

Mga nilalaman

Mga Nominadong Salita ng Taon

Kasama ng mga salita ang pangalan ng nagmungkahi.


2004

(Dalawa ang itinanghal na Ikatlong Salita ng Taon)

2005

  • Huweteng (Salita ng Taon) ni Roberto T. Añonuevo
  • Pasaway (Ikalawang Salita ng Taon) ni Patrick D. Flores
  • Tibak/T-back (Ikatlong Salita ng Taon) nina April Imson at Salvador Biglaen
  • Blog ni Vladimeir Gonzales
  • Call Center ni Silvestre "Jay" Pascual, III
  • E-VAT ni Leuterio Nicolas
  • Gandara ni Winton Lou Ynion
  • Networking ni Jelson Estrella Capilos
  • Tsunami ni Michael Francis Andrada
  • Wiretapping ni Yolando Jamendang, Jr.
  • Caregiver ni James Kenneth Sindayen
  • Coño ni Sharlene Valencia


2006

  • Lobat (Salita ng Taon) ni Jelson Estrella Capilos
  • Botox (Ikalawang Salita ng Taon) ni Luis P. Gatmaitan
  • Toxic (Ikatlong Salita ng Taon) ni Michael Francis Andrada
  • Birdflu ni Yolando Jamendang, Jr.
  • Cha-cha ni Ruben Surriga
  • Karir ni Rachelle Joy M. Rodriguez
  • Kudkod ni Chem R. Pantorilla
  • Mall ni Jimuel C. Naval
  • Meningo ni Rosalina A. Mendigo
  • Orocan ni Jayson D. Petras
  • Payreted ni John Enrico C. Torralba
  • Spa ni Elyrah Loyola Salanga


2007

2010

(Dalawa ang itinanghal na Ikatlong Salita ng Taon)

  • Jejemon (Salita ng Taon) ni Rolando Tolentino
  • Ondoy (Ikalawang Salita ng Taon) ni Jayson D. Petras
  • Korkor (Ikatlong Salita ng Taon) ni Shedar Jocson
  • Tarpo (Ikatlong Salita ng Taon, Pinakamahusay na Presentasyon) ni Jelson Estrella Capilos
  • Ampatuan ni Vladimeir Gonzales
  • Emo ni Anna Mariette Dy
  • Load nina Christine Marie Magpili at Geraldine Uy-Escolar
  • Namumutbol ni Joselito D. Reyes
  • Solb ni John Enrico Torralba
  • Spam ni Genaro Gojo Cruz
  • Unli ni April Perez

Panlabas na kawing/Sanggunian

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Sawikaan, silipin ang mga sumusunod:

  • Our Salita ng Taon is Jejemon ni Vim Nadera (Sinilip noong 1 February 2011)
  • Sawikaan.net (Sinilip noong 1 February 2011)
  • 'Jejemon' is Filipino Word of the Year ni Alexander Villafania (Sinilip noong 1 February 2011)
  • Romulo P. Baquiran at Galileo S. Zafra, pat. Sawikaan 2004: Mga Salita ng Taon. (Quezon City: UP Press, 2005)
  • Michael M. Coroza at Galileo S. Zafra, pat. Sawikaan 2005: Mga Salita ng Taon. (Quezon City: UP Press, 2006)
  • Roberto Añonuevo at Galileo Zafra, pat. Sawikaan 2006: Mga Salita ng Taon. (Quezon City: UP Press, 2007)
  • Romulo P. Baquiran at Galileo S. Zafra, pat. Sawikaan 2007: Mga Salita ng Taon. (Quezon City: UP Press, 2008)

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.