Sapatos Festival

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang isa sa ipinagmamalaki at popular na pagdiriwang na sumasalamin sa kahusayan sa paggawa ng sariling atin ay ang selebrasyon ng pag-aangat sa kalidad at ganda ng mga sapatos sa Marikina.

Mga nilalaman

Marikina: "Shoe Capital of the Philippines"

Ang siyudad na ito ay nabuhay sa mahabang panahon sa pamamagitan ng paggawa ng sapatos. Ito ang kanilang pangunahing industriya, at sila ang pinakamalaking tagapag-luwas ng sapatos sa ibang bansa. May ilang malalaking pagawaan ng sapatos sa ilang lugar, tulad ng Cebu, ngunit walang tatalo sa husay ng mga taga-Marikina.

Ang Marikina ay dating bayan ng lalawigan ng Rizal. Pero dahil sa mabilis na pag-akyat ng ekonomiya nito, ito ay naging urbanisadong munisipalidad at hindi naglaon ay naging isang siyudad.

Napapagitnaan ang Marikina ng Quezon City, Pasig City at bayan ng Cainta sa Rizal. Ang mainam na lokasyong ito ay isang magandang salik kung bakit madaling maabot ng kanilang mga produkto ang merkado at mga tindahan.

Pista

Naging matagumpay ang Sapatos Festival simula nang una itong ipinagdiwang noong 2002 sa ilalim nang mahusay na pamamalakad ni Mayor Ma. Lourdes Fernando. Ang pista, na unang ipinagdiwang noong Oktubre 15 hanggang Nobyembre 30, 2002, ay naglalayong ibunsod ang mahigit isang daang taon nang industriya ng paggawa ng sapatos. Sa loob ng isang buwang selebrasyon, ipapakita ang historikal, kultural at ekonomikal na pag-unlad ng industriya ng sapatos sa mga nakalipas na taon.

Isa itong selebrasyon ng husay at sining ng mga sapatero ng Marikina. Binibigyang halaga at pagpupugay ng kapistahan ang kanilang pagod at pagsusumikap upang patuloy na buhayin ang malikhaing paggawa ng matitibay at de kalidad na sapatos.

Makukulay na mga sapin sa paa sa iba't ibang anyo, hugis at laki ang makikita kapag ipinarada na ang kanilang mga produkto sa siyudad. Ilang patimpalak, konsiyerto at mga pagtatanghal ang ginaganap sa lumulutang na entablado sa ilog at sa Roman Garden sa Marikina River Park. Layunin ng mga programang ito na ipagmalaki ang mga gawang sapatos ng lungsod.

Nagiging matagumpay ang mga pista dahil sa pakikipagtulungan ng Marikina Cultural, Tourism, Trade & Investment Promotions Office (MCTTIPC), lokal na pamahalaan, ilang sponsor, at mga mamamayan ng lungsod ng Marikina.

Ordinance No. 103

Ang Ordinansa Blg. 103 o "Ordinance Renaming the "Sapatero Festival" in the City of Marikina to "Sapatos Festival" and for Other Purposes," ay ipinasa nina Councilor Wilfred Reyes at Councilor Victoriano Sabiniano, Jr. sa Sangguniang Panglungsod ng Marikina. Ang ordinansa ay inaprubahan ni Mayor Ma. Lourdes Fernando noong ika-7 ng Setyembre 2005 sa ilalim ng ika-34 regular na sesyon ng Sangguniang Panglungsod.

Nilalaman ng ordinansa ang pagpapalit ng pangalan ng pista mula "Sapatero Festival" upang maging "Sapatos Festival". Itinalaga ang pagdiriwang mula ika-13 hanggang ika-19 ng Nobyembre kada taon. Nilalaman din nito ang ilang mga pagbabago sa selebrasyon ng pista:

WHEREAS, the City Government considers it more appropriate to dub the Sapatero Festival to Sapatos Festival to give emphasis to the product of which this City has been known here and abroad;
WHEREAS, focusing n the word “sapatos” will bring more impact to tourism and business, and revive the spark of Marikina City as the “Shoe Capital of the Philippines,: and further promote the City through the ingenuity of designs and innovation in the manufacture of footwear products;
WHEREAS, the City Government envisions the Sapatos Festival as an opportunity to showcase various footwear which are locally made to accelerate the sluggish growth of the she industry while preserving the history and culture of Marikeños;
WHEREAS, the City of Marikina has been celebrating the annual Sapatero Festival from the third week of October to the last week of November for the past several years, however, starting this year, the City Government intends to celebrate the Sapatos Festival for a period of one week, fixing its culmination on November 19 of every year, the feast day of San Crispin, the patron saint of shoemakers.

Sanggunian

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.