Santacruzan

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Santacruzan in Cardona '08

Kung nais ninyong mabása ang tekstong nakasulat sa Ingles, pindutin ang Santacruzan

Reyna Elena (Picture from [1])
.

Ang Santacruzan ay isang prusisyon na isinasagawa sa huling bahagi ng pagdiriwang ng Flores de Mayo. Isinasalarawan nito ang paghahanap sa Banal na Krus ni Reyna Elena, ang ina ni Constantino. May ilang personalidad sa industriya ng pelikula at telebisyon ang lumalahok sa ganitong pagdiriwang at kadalasan ay nagiging tampok sa sagala bilang reyna at konsorte.

Ang pagdiriwang ay dinala sa Pilipinas ng mga Espanyol at mula noon ay naging bahagi na ng tradisyon ng mga Pilipino.

Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan

Ilang daan taon na ang nakalilipas, ang emperador ng Roma, si Constantino, ay dinalaw ng isang panaginip na siya ay hinihingan ng tulong na pumunta sa isang digmaan upang lumaban sa ngalan ng Banal na Krus. Nasupil niya ang kanyang kalaban at ang kanyang tagumpay ay naging sanhi nang kanyang pagiging kristiyano. Siya ang naging unang Kristiyanong emperador sa kasaysayan. Dahil sa lahat ng mga pangyayari, nagkaroon ng inspirasyon ang kanyang ina, si Reyna Elena, at noong taong 326 A.D., nagsagawa siya ng isang paglalakbay sa Banal na Lugar upang hanapin ang Banal na Krus.

Matagumpay na nahanap ni Reyna Elena ang Banal na Krus at sa kanyang pagbabalik ay nagkarooon ng isang masayang pagdiriwang.

[baguhin] Prusisyon

Ang prusisyon ay nakaayos sa ganitong pagkakasunod-sunod:

  1. Methuselah - ang imahe niya ay may balbas at nakayukod. Habang nakasakay sa karitela, tinutusta niya ang ilang butil ng buhangin sa kawali. Ang ginagawa niyang ito ay isang paalaala na lahat ng kumikinang ay magiging alabok din.
  2. Reyna Banderada -Nakasuot siya ng pulang damit at may dalang dilaw na triyanggulong bandila. Sinisimbulo niya ang pagdating ng Kristiyanismo.
  3. Aetas -Inilalarawan nila ang kalagayan ng bansa bago dumating ang Kristiyanismo. Sila ang mga Pilipinong pagano.
  4. Reyna Mora -Ang simbolo niya ay tumutukoy sa dominanteng relihiyon bago dumating ang Kristiyanismo (babaeng Moro ng Muslim)
  5. Reyna Fe -Sinisimbulo niya ang birtud ng pananampalataya. Siya ay may dalang krus.
  6. Reyna Esperanza - Sumasalamin sa birtud ng pag-asa. May dala siyang angkla.
  7. Reyna Caridad -Sinisimbulo niya ang birtud ng pagkakawanggawa. Siya ay may dalang pulang puso.
  8. Reyna Abogada -Siya ang tagapagtanggol ng mga mahihirap at naaapi. Nakasuot siya ng itim na toga at damit at nagdadala ng malaking libro.
  9. Reyna Sentenciada -Ang kanyang mga kamay ay natatalian ng lubid. Siya ang simbolo ng mga inosenteng taon na nahatulan ng pagkakasala. Sinasamahan siya ng dalawang sundalo.
  10. Reyna Justicia -Isa siyang personipikasyon ng “salamin ng katarungan”. Nagdadala siya ng timbangan at espada.
  11. Reyna Judith -Kinakatawan niya si Judith ng Pethulia, ang naging tagapaligtas ng kanyang siyudad laban sa mga Assyrian, matapos niyang pugutan ng ulo ang mga malulupit na holofern. Dala-dala niya sa isang kamay ang isang pugot na ulo at sa kabilang kamay naman ay isang espada.
  12. Reyna Sheba -Nagdadala siya ng kahon ng mga alahas.
  13. Reyna Esther -Isa siyang biblikal na Hudyo na nagligtas sa kanyang mga kababayan mula sa kamatayan at pagkawasak. May tangan siyang isang setro.
  14. Samaritana -Siya ang babaeng kinausap ni Kristo sa balon. May dala siyang lalagyan ng tubig sa kanyang balikat.
  15. Veronica -Siya ang babaeng nagpunas ng mukha ni Kristo. May hawak siyang bandana kung saan nakabakas ang tatlong mukha ni Kristo.
  16. Tres Marias: Mary of Magdalane -Dala-dala niya ang isang bote ng pabango; Mary,ang Ina ni Kristo -Siya ay may dalang panyo; Mary, Ina ni Santiago -Siya ay may dalang bote ng langis.
  17. Marian -Nagdiriwang sa maraming katawagan kay Birheng Maria.
  • A-v-e—M-a-r-i-a -Ito ay kinakatawan ng walong batang babae na nakasuot ng mahahabang puting damit at pakpak upang magmukha silang anghel. Upang mabuo ang salitang “AVE MARIA”, ang bawat isa ay may dalang isang letra.
  • Divina pastora -Dala-dala niya ang tungkod ng isang pastol.
  • Reyna de las Estrellas – May dala siyang baston na may bituin.
  • Rosa Mystica – Tangan-tangan niya ay pumpon ng mga rosas.
  • Reyna Paz -Dala niya ang simbolo ng kapayapaan.
  • Reyna de las Propetas – May dala siyang hourglass.
  • Reyna del Cielo -Siya ay may dalang bulaklak. May kasama siyang dalawang anghel.
  • Reyna de las Virgines -Dala niya ang isang rosaryo at napapalibutan ng dalawang maliliit na anghel.
  • Reyna de las Flores - Pumpon ng bulaklak ang kanyang dala.
18. Reyna Elena -Siya ang bantog na personang nakahanap ng tunay na Krus. May dala siyang maliit na krus at konsorte naman niya ang kanyang anak na si Constantino.

[baguhin] Awit sa Prusisyon

Ang prusisyon ay sinusundan ng tunog ng rondalla, na tumutugtog at umaawit ng “Dios Te Salve”. Habang naglalakad, ang mga deboto ay may hawak na nakasinding kandila at inaawit ang dasal.

Dios Te Salve (Hail Mary)

Dios te salve Maria
Llena eres de gracia
El senor es contigo
Bendita tu eres
Entre todas las mujeres
Y bendito es el fruto
Y bendito es el fruto
De tu vientre Jesus.

Santa Maria Madre de Dios
Ruega por nosotros
Pecadores ahora
Y en la hora
De nuestra muerte amen. Jesus.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.