Sangguniang Kabataan

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Kung nais ninyong mabása ang tekstong nakasulat sa Ingles, pindutin ang Sangguniang Kabataan.

May kamalian sa paglikha ng kagyat (''thumbnail''): Hindi nasagip ang kagyat sa kapupuntahan
SK Logo

Ang Sangguniang Kabataan ay ang natatanging kinatawan ng lokal na pamahalaan na may layuning mabigyang posibilidad upang isulong ang pakikilahok ng kabataan, mapabuti ang kontak sa edukasyon at trabaho para sa kabataan, at mabigyang demokrasya sa paghahatid ng serbisyong panlipunan para sa sektor ng kabataan.

Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan

Noong 1975, nagpalabas si Pangulong Ferdinand Marcos ng Presidential Decree (PD) 684 kung saan ipinapahayag ang pormal na paglikha ng Kabataang Barangay (KB). Ang layunin ng KB ay upang mabigyan ang mga kabataan ng isang tiyak na gagampanang papel sa komunidad at mabigyan ng isang gobyerno ang kabataan bilang daan upang matulungan ang bawat isa na umunlad at magsikap.

Matapos maipalabas ni dating presidente Ferdinand Marcos ang PD 684 ay ipinalabas naman niya ang PD 1191, kung saan ginawa ang Pambansang Katipunan ng Kabataang Barangay (PKKB) na noon ay direkta sa ilalim ng opisina ng pangulo. Ang PKKB ay binigyan ng kapangyarihang may katangian ng isang korporasyon. Ito ay nangangahulugan na nagkakaroon ito ng awtonomya sa pangangasiwa at gastos ng mga pondo.

Maraming proyekto ang nagawa ng Kabataang Barangay. Ilan dito ay ang mga Youth Development Training (YDT) Program na naglalayong paunlarin ang mga kabataan sa serbisyo, nasyonalismo, at iba pang mga kasanayan upang matulungan silang maging mas produktibong lider. Ang KB din ay mayroong mga programa at proyekto ukol sa kabuhayan, edukasyon, sports, at kultura. Gayunman, ang KB ay pinupuna dahil umano sa nilikha ito upang ipatupad ang awtoritaryan na tuntunin at upang tumutol ang mga kabataan sa mga militanteng gawain. Ayon sa mga kritiko, bigo ang KB na pagyamanin ang kabataan bilang demokratikong puwersang sumasang-ayon sa panahon.

Ang mga kritisismong ito ay humantong sa pagsali ng mga kabataan sa ibang organisasyon kung saan sila ay mahahasa bilang mga potensiyal na lider. Habang lumiliit ang bilang ng mga sumasali sa KB, naging sikat naman ang aktibismo bilang paraan ng pakikilahok ng mga kabataan sa pamahalaan. Noong Hunyo 1986, ang isang government-sponsor na pag-aaral sa KB ang isinasagawa. Ang pag-aaral ay humantong sa mga sumusunod na mga mungkahi:

  • alisin ang KB;
  • magtatag ng isang National Youth Commission;
  • magtatag ng isang National Youth Assembly; at
  • magtatag ng isang tunay na representasyon ng kabataan sa gobyerno.

Bilang pagtugon sa mga mungkahi,inalis ng gobyerno ang KB at nagdaos ng konsultasyon sa mga kabataan sa buong bansa. IPinasa kay Pangulong Corazon Aquino ang resolusyon. Gayunman, binuo ng pamahalaang Aquino ang Presidential Council for Youth Affairs o PCYA sa halip na ang iminumungkahing NYC. Mula noong 1987, naging kaugnay ang PCYA sa mga kabataan bilang instrumento ng pag-unlad para sa hinaharap. Limitado lamang ang kapangyarihan ng PCYA kung ihahambing ito sa hinahangad ng mga Pilipino na NYC. Ang kawalan ng inisyatiba upang ipatupad ang mga suhestiyon ng mga kabataan sa pamamagitan ng Konsultahang Kabataan ang nag-iwan dito nang walang anumang mga kabataang kinatawan ng pamahalaan. Hindi nakatakas ang atensyon ito sa mga batang mambabatas. Mula 1988-1990, sinimulan ng mga mambabatas ang pagpaplano na palitan ito ng Sangguniang Kabataan.

Ang panukala ay isinama sa 1991 Local Government Code (LGC), na kilala rin bilang ang "Lokal Autonomy Law." Ang 1991 LGC o RA 7160 ay isang batas kung saan pormal na tatanggalin ang KB at binibigyan ang mga kabataan ng isa pang pagkakataon na lumahok sa pamamahala nang direkta mula sa pinakamababang antas hanggang sa pambansang antas sa pamamagitan ng Katipunan ng Kabataan (KK) at sa Sangguniang Kabataan (SK).

Ang unang halalan ng mga pinuno ng SK ay ginanap sa 43,000 barangay sa buong bansa noong Disyembre 4, 1992. Ang Butuan City SK Federation President Ryan Culima ay inihalal bilang unang pangulo ng Pambansang Katipunan ng mga SK.

[baguhin] Panlabas na Kawing

[baguhin] Mga Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.