Sanduguan Festival

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang Sanduguan Festival o Pista ng Sanduguan ay isang pagdiriwang na ginaganap tuwing ika-apat na linggo ng Abril sa isla ng Mindoro

Pagdiriwang

Ipinagdiriwang ito bilang paggunita sa unang barter sa pagitan ng mga Mangyan at mga mangangalakal na Tsino noong unang panahon. Pangunahing atraksyon dito ang Indakan sa Sanduguan, isang kumpetisyon sa pagsasayaw sa lansangan habang nakasuot ng makukulay na kasuotan na gawa sa mga produktong matatagpuan sa lugar.

Nagmula ang sanduguan sa salitang sandugo na nangangahulugang “pagkakaibigan”. Tinutukoy din ng salitang sanduguan ang kasunduan sa pagitan ng mga katutubong Pilipino sa Mindoro at mga mangangalakal na Tsino.

Sanggunian

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.