Sampaguita (bulaklak)

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Sampaguita (Picture from ([1]).

Noong 1 Pebrero 1934, kinilala ni Gobernador-Heneral Frank Murphy ang Sampaguita (Jasminum sambac) bilang pambansang bulaklak ng Pilipinas, dahil sa natatanging halimuyak, kasikatan at ornamental na kahalagahan nito. Tinatawag itong Arabian Jasmin sa Ingles, Manul ng mga Bisaya at Sampaga o Pongso ng mga Kapampangan.

Mga nilalaman

Katangian

Ang sampaguita ay isang shrub na tumutubo ng may taas na mula isa hanggang dalawang metro. Ang mga dahon ay makintab, hugis bilog o pahaba. Ang bulaklak naman nito ay kulay puti, mahalimuyak, at may hugis na parang-bituin. Ito ay maaaring paramihin sa pamamagitan ng stem-cutting at layering. Namumuhay ito sa matabang lupa at matatagpuan sa buong bansa.

Gamit

Sampaguita Bud (Picture from ([2]).

Bilang Palamuti

  • Ginagamit na pang-alay at pang-adorno sa mga altar.
  • Inaayos din ito upang maging lei at maging bulaklak sa mga kasal.

Bilang Halamang-gamot

  • Para sa lagnat at ubo: Pinakukuluan ang bulaklak at dahon nito.
  • Para sa ulser: Dikdikin ang bulaklak o dahon at ilagay sa apektadong parte ng tiyan.
  • Para sa lagnat at malimit na pagbabaws: Gumamit ng 3 hanggang anim na gramo ng pinatuyong dahon o bulaklak at ihalo sa iba pang gamot.
  • Para sa pamumula at pamamaga ng mata: Pakuluin ang pinatuyong bulaklak at ihugas sa mata.
  • Para sa pilay at bali ng buto: Gamitin ang ugat at ihalo sa iba pang gamot at ilagay sa bahaging apektado.
  • Para sa pampalasa: Gamitin ang bulaklak na pampalasa sa tsaa.

Bilang Pampaganda

  • Ang pinaghalo-halong bulaklak ay ginagamit na panlinis ng mukha.
  • Ang bulaklak ay ginagamit din na langis para sa buhok, mukha o sa katawan.

Sanggunian

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.