Sampagitang Walang Bango

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Sampagitang Walang Bango (pabalat ng aklat)

Sampagitang Walang Bango ay nobelang tuon sa Maynila sa panahon ng Amerikanisasyon.Inilalantad din ng nobela ang masalimuot na pagsasalikop ng pag-ibig, pagtitimpi, at pagtataksil sa gitna ng malakarnabal na kaligiran. Ito ay akda ni Iñigo Ed. Regalado at inilimbag ng Ateneo de Manila University Press noong 2001 sa Lungsod Quezon .

[baguhin] Tungkol sa aklat

Maynila sa panahon ng Amerikanisasyon ang tuon ng nobelang Sampaguitang Walang Bango ni Iñigo Ed. Regalado. Ang nasabing lunan ang magiging sentro ng yaman at libog; ang lunduan ng kapangyarihan at kahinaan ng mga tauhang gaya nina Don Bandino, Nenita at Pakito. Inilalantad din ng nobela ang masalimuot na pagsasalikop ng pag-ibig, pagtitimpi, at pagtataksil sa gitna ng malakarnabal na kaligiran. At hinahamon ang mambabasa na balikan ang mga kahalagahang gaya ng “puri” “katwiran” at “kaliwanagan” ayos sa ibig ipakahulugan ng mga anakpawis ng katipunan.


[baguhin] Sanggunian

  • Regalado, Iñigo Ed., "Sampagitang Walang Bango" Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2001.


[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.