Salvador R. Barros

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Si Salvador R. Barros ay isinilang noong 21 Enero 1910 sa Lungsod Baguio, at yumao noong 24 Mayo 1940 dahil sa sakit na disenterya at tuberkulosis. Nagtapos siya mula sa Mababang Paaralan ng Lopez noong 1927, nag-aral sa Unibersidad ng Pilipinas Hay-iskul noong 1928—1929, lumipat sa Tayabas Provincial High School, at nagtapos noong 1931. Nag-aral siya ng batas sa University of Manila at Philippine Law School, ngunit hindi nakatapos. Naging kawani siya ng Bureau of Posts at Bureau of Lands.

[baguhin] Mga Parangal

Nakamit ni Barros ang medalyang ginto noong 1937 nang tanghaling pinakamahusay na kuwento ang kaniyang akda. Ang kaniyang mga kuwento, tula, sanaysay, at iba pang artikulo ay malimit malathala noon sa Taliba, Liwayway, Sampagita, Mabuhay, Parlatone, at The Citizen. Nagsulat din siya sa Publikasyong T-V-T at D-M-H-M; bago naging direktor ng publisidad ng Parlatone Studios at hiranging editor ng Parlatone Magazine. Tumanyag si Barros sa kaniyang sagisag panulat na Rodavlas.

[baguhin] Sanggunian

  • Almario, Virgilio S., ed. Sansiglong Mahigit ng Makabagong Tula sa Filipinas. Lungsod Pasig: Anvil Publishing House, 2006.
  • Manuel, E. Arsenio at Magdalena Avenir Manuel. Dictionary of Philippine Biography, tomo ikatlo. Lungsod Quezon: Filipiniana Publications, 1986.

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.