Saligang Batas

Mula sa Wikifilipino
(Ikinarga mula sa Saligang-batas)
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang saligang batas ay isang kalipunan ng mga pangunahing batas at prinsipyo na nagtatakda sa pamamahala ng isang organisasyon. Kadalasan itong naikodigo bilang isang dokumento.

Kaugnay ng isang bansa, ang salitang 'saligang batas' ay tumutukoy sa isang pambansang saligang batas. Ito ang nagtatakda sa kayarian ng pamahalaan at sa pagkakabahagi ng mga kapangyarihan sa iba't ibang sangay nito. Dito napapaloob ang mga pangkalahatang patakaran ng kailangang sundin ng pamahalaan sa pakikipag-ugnayan nito sa mga mamamayan. Karamihan sa mga pambansang saligang batas ay naglalaman ng "katipunan ng mga karapatan" na tatamasahin ng mga mamamayan ng bansa.

Ang saligang batas ang pangunahin o pinakamataas na batas ng bansa. Kailangang iayon dito ang lahat ng batas ng bansa.

Sa Pilipinas, ang kasalukuyang saligang batas ay pinagtibay noong 1987 sa ilalim ng pamahalaang Corazon Aquino.

Tignan din

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.