Salawikain

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang Salawikain, na tinatawag ding kawikaan, ang isa sa mga katutubong tula na lumaganap sa Pilipinas bago pa dumating ang mga mananakop na banyagang Europeo. Taglay ng salawikain ang malalim na pagpapahiwatig, o ang maligoy na paraan ng pagsasabi, upang ikubli ang ibig sabihin ng nagsasalita. Sa pamamagitan ng pagtuklas sa kahulugan ng isang salawikain, mauunawaan ng isang Pilipino and kaniyang sarili, pagkatao, at lalim ng kaniyang pang-unawa sa buhay. Karaniwan, ang isang salawikain ay nag-ugat sa isang karanasan at sa mahabang pag-uunawa at pagsisiyasat sa buhay ng tao. Ilan sa mga hindi malilimutang mga salawikain ay ang mga gumagamit sa isang uri ng hayop, gulay o prutas.

Ang aklat na Philippine Folk Literature: The Proverbs (2002) ni Damiana L. Eugenio ang may pinakamalawak na koleksiyon ng salawikain sa buong Pilipinas. Mulang salawikain ng Ivatan hanggang salawikain ng Joloano ay matatagpuan doon. Ipinaliwanag din ni Eugenio ang mga uri ng salawikain, at nagsaad pa ng panukala ng pagbasa sa bawat pangkat.

Basahin din

Sanggunian

  • Eugenio, Damiana L. Chapter 5: Filipino Proverbs. In The University of the Philippines: Cultural Dictionary for Filipinos. Quezon City: University of the Philippines Press and Anvil Publishing Inc., 1996. p. 622.
  • Almario, Virgilio S. Katutubong Sangkap ng Tulang Tagalog. Pasig City: Anvil Publishing House, 1988.
  • Eugenio, Damiana L. Philippine Folk Literature: The Proverbs. Quezon City: University of the Philippines Press, 2002.

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.