Saging

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Saging (Picture from ([1]).

Ang Saging (Musa paradisiaca Linn) ay isang uri ng prutas na masasabing pinakakilala sa Pilipinas at matatagpuan sa buong bansa. Isa ito sa mga paborito ng mga Pilipino. Ang Pilipinas din ang pang-lima sa pinakamalaking nagluluwas ng saging sa buong mundo. Ito ay tinatawag na tukol ng mga Ilokano, turdan ng mga bisaya, Latunda ng mga Bikolano at Pangasinense, at Saquin a Latondan ng mga Kapampangan.

Mga nilalaman

[baguhin] Katangian

Ang saging ay madalas na napagkakamalan bilang isang puno ngunit ang totoo, ito ay isang malaking halamang-damo (herb). Bagaman ito ay tumutubo na sa mga bansang tropikal, ito ay nagmula sa Timog-Silangang Asya.

Ito ay may taas na umaabot hanggang walong metro ngunit ang karaniwan ay mula tatlo hanggang limang metro. Ang mga dahon nito ay malambot, madulas, hugis pahaba at may kulay na berde. Ang bunga naman nito ay may kulay na mula berde hanggang dilaw o pula, at maaaring may haba na umaabot mula 2 ½ hanggang 12 na pulgada.

[baguhin] Gamit

Puso ng Saging (Picture from ([2]).

[baguhin] Nutrisyonal

  • Ang puso ng saging ay ginagamit bilang isang gulay.
  • Ang hilaw na bunga ay pinatatamisan at ginagawang kendi.
  • Ang saging ay sagana sa bitamina A, B, at C, iron at potassium.

[baguhin] Bilang halamang gamot

  • Ang batang dahon ng saging ay ginagamit para sa pagbebenda ng sugat at ginagamit ding pampahid sa sakit ng ulo.
  • Sa naninipis na buhok: Ang dagta ng puno ay ipinapahid sa anit.
  • Ang nilutong bulaklak ng saging ay ginagamit naman bilang lunas sa diabetes.
  • Ang dagta naman ng bulaklak ay ginagamit para sa pananakit ng tenga.

[baguhin] Iba pang gamit

  • Ang hibla ng halaman ng saging ay ginagamit sa paggawa ng papel at damit.
  • Ang dahon ay ginagamit naman bilang pambalot sa mga pagkain.

[baguhin] Produktong gawa sa Saging

  • Banana Chips
  • Banana Flour
  • Banana Alcohol
  • Banana Catsup
  • Banana Clothing


[baguhin] Panlabas na Kawing

[baguhin] Sanggunian

  • Fernandez, Doreen G. Fruits of the Philippines. Makati: Doreen G. Fernandez and Bookmark, Inc., 1997.
  • Saging. (Hinango noong 12 Mayo 2008).
  • Philippine Banana Plant. (Hinango noong 12 Mayo 2008).
  • Saging. (Hinango noong 12 Mayo 2008).

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.