Sagada

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Bomok-od.jpg

Ang Sagada ay isa sa sampung munisipyo ng lalawigan ng Mountain Province sa Cordillera Administrative Region (CAR). Labinsiyam na kilometro ang layo nito sa Bontoc na kabisera ng Mountain Province.

Kung nais ng liblib at eksotikong pook ay sa Sagada magtungo. Mula Maynila ay 275 kilometro ang layo ng Sagada at 100 naman mula sa Baguio. Mas kilala ng mga turista ang Sagada kaysa sa Bontoc. Singganda ng sa Banaue ang rice terraces dito kahit hindi kasingsikat. Kung ang dinding ng mga hakbang ng terrace sa Banaue ay gawa sa pinatigas na lupa, gawa naman sa pinagpatung-patong na bato ang sa Sagada.

Mga nilalaman

[baguhin] terorismo

patuloy parin ang paglikas ng mga residente sa sagada mt.province maraming sundalong namatay sagyera

[baguhin] Habing Sagada

Maraming gawang habi tulad ng knapsack, bag at mga pitaka ang hinahabi sa Sagada Weaving House. May pagkakaiba ang habing Samoki sa habing Sabangan at Sagada at ito ay makikita sa istilo ng paghahabi.

[baguhin] Payong Panlakbay

Kung magbibiyahe sakay mula Maynila hanggang Sagada ay pinakamaganda ang rutang Maynila-Baguio-Sagada sapagka't maganda ang mga daan sa rutang ito nguni't anuman ang rutang piliin ay aabot ng Php 1500 ang pamasahe papunta rito. Kung mula Laoag naman hanggang Baguio ay Php 382 ang pamasahe sa bus at anim na oras at kalahati ang tagal ng biyahe. Mula sa Baguio ay maaaring sumakay sa bus mula sa istasyon ng Dangwa sa pamasaheng Php 220 patungong Sagada. Makauupa ng kuwarto sa mga inn o lodge sa halagang Php 200 hanggang 250 bawa't gabi at para sa isang katao kahit pa peak season. Magastos kung laging kakain sa labas. Makatitipid kung bibili ng de lata o sariwang gulay o prutas. May mga upahang inn o lodge kung saan pinahihintulutan ang pagluluto. Mainam ding tumungo sa St. Joseph's Guest House na nasa pamamahala ng mga madreng Episkopalyano. Komportable ang mga silid at may pagkain din(hindi sa lahat ng oras ng pagkain). Tumutulong ang mga madre sa paghahanap ng mga gabay.

Kung nais kumain sa labas, ang Sagada Lemon Pie House ang isa sa dapat tunguhin. Ito ay inihahanda na bilang wifi hotspot at makagagamit ang mga parokyano nito ng libreng internet nguni't isa rin itong mainam na kainan habang nasa Sagada. Sa tamang halaga (mas mahal kaysa sa halaga ng pagkain sa Maynila) ay makapipili ng alinmang pie at makakahigop ng mainit na kape. Nagsisilbi rin sila rito ng lutong ulam at kanin. Maaari ring magbasa rito. Patuloy ang pangangalap nila rito ng mga donasyong aklat. Maaaring ipadala ang mga ito kay Joseph Daoas, The Lemon Pie House, Atey Dao-Angan, Sagada, Mountain Province 2619.

[baguhin] ATM sa Sagada

Makakapag-withdraw ng cash mula sa makina ng ATM na nasa loob ng Rural Bank of Sagada.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.