Sabi ng mga Bituin

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sa pagpasok ng 2009, isang malaking palaisipan kung ano ang hatid nito- swerte ba o kamalasan? Ang sumusunod ay ilang mga payo ayon sa kani-kaniyang bituin upang gabayan ang bawat indibiduwal na malaman kung ano ang nakalaan parasa kanila sa 2009, ang Taon ng Baka. Ang mga ito ay gabay lamang at ipinapaalala lamang sa lahat na upang makatiyak ng magandang kapalaran ay dapat na magsikap sa inyong mga sarili. Paunlarin ang inyong nalalaman, panatilihin ang pagiging malinis sa puso, sa isip, sa gawa at higit sa lahat, magkaroon ng mas malalim na pananampalataya at pagtitiwala sa nasa Itaas.

Mga nilalaman

[baguhin] Aries (Marso 21-Abril 19)

Madaling makakamit ang tagumpay kung magsusumikap lamang. Ang lahat ng ginagawang pagsisikhay, kasipagan at pagmamahal sa trabaho ay nakikitang lahat ng pinaglilingkuran. Humanda sa balik ng mas mainam na swerte. Maari ding sa ngayon ay nakaradarama ng pagkabagot sa kasalukuyang trabaho kayat maaaring sumubok sa ibang larangan. Maaaring palarin sa pamumuhunan sa real estate investment. Sa larangan ng pag-ibig, kung wala pang kabiyak ay nakasisiguro ng kaligayahan dahil ang mga panaginip tungkol sa mga prinsipe at prinsesa ay maaaring maging makatotohanan. Magwawakas ang paghahanap ng kasuyo.Kung may pamilya na, sinasabing ito na ng panahon upang ayusin ang relasyon sa kabiyak ng puso. Umiwas na humantong sa diborsyo ang hindi mabigyan ng solusyon hinggil sa nadarama ng puso. Kasabihan para sa 2009: Umasam sa pagdating ng maraming oportunidad, gamitin ang mga ito nang matalino.

[baguhin] Taurus (Abril 20-May 20)

Huwag munang sumuko, maaaring mabaligtad ang mga pangyayari. Sa kinalaunan ay makikita mo ang kapangyarihan nang pagpaparaya. Hindi makakayang baguhin ang pag-uugali ng mga kaibigan, manapay tanggapin mo ang mga ito. Kung ikaw ay boss, inspirasyon ka ng iyong mga nasasakupan. Nakalinya ang mga magagandang swerte gaya ng pag-angat sa trabaho at pagkilala ng komunidad sa iyong kahusayan. Aanihin din ang respeto mula sa mga kasama. Umiwas sa malabis na trabaho at stress, maaaring makasagabal sa iyong pagsulong. Isang bagong pag-ibig ang mararanasan habang naglalakbay. Kasabihan para sa 2009: Huwag magbalak sumulong o umatras, manatiling aktibo sa kasalukuyan.

[baguhin] Gemini (Mayo 21-Hunyo 21)

Maaaring igupo ng mga suliranin sa tahanan. Mapapatunayang ang iba ay mahirap na pakisamahan at baguhin ang mga ito. Iangat ang sarili sa pamamagitan ng mga bagong ideya sa teknolohiya. Maiibigan ang ibubunga nito. Magiging malikhain sa unang siyam na buwan ng 2009. Makipag-usap na muli sa isang financial investment.Maging bukas sa lahat ng solusyon sa anumang suliranin, isa rito ay magbubunga ng maganda.Sa relasyon, maaaring magkaroon ng suya at pagkabagot sa iyong kabiyak ng dibdib. Sikaping mapanatili ang pag-ibig at respeto sa isat isa. Kasabihan para sa 2009: Ang iyong abilidad upang makiayon sa takbo ng buhay ay subok na sa kaisipan, sa emosyonal at sa pinasiyal na aspeto.

[baguhin] Cancer (Hulyo 21-Hulyo 22)

Maraming magaganap na pagbabago sa iyong buhay sa unang Linggo ng 2009. Kapag may nakilalang importanteng tao noong 2008, magiging mas malapit ang inyong samahan. Ang mga karelasyon sa pagnenegosyo ay maaaring magbago.Kung wala pang kasuyo, ang pananabik na ito ay magiging isang paghahanda para sa nalalapit na pakikipag-ugnayan. May hatid na surpresa ang ang paglalakbay kaya’t hwag ipagwalambahala ang lahat nang darating sa iyong buhay.Umiwas sa kalungkutan o kawalan ng pag-asa. Hangga’t maaari, hwag personalin ang mga bagay. Sa kinalaunan, ang bigat na ito ay mapapawi din. Kasabihan para sa 2009: Kung magkakaroon lamang ng pasensiya at sapat na panahon, walang hindi ka makakamit.

[baguhin] Leo (Hulyo 23-Agosto 22)

Sa taong 2009 ay makararanas ng mas magaang na pakikipagrelasyon, sa mag-asawa naman ay mas mainam na pagsasama. Kung wala pang kompromiso at isang dalaga, asahan ang pagdating ng isang kaakit-akit na lalaki sa iyong buhay. Pangalagaan ang kalusugan. Ang regular na pagpapatingin sa doktor ay kinakailangan. Magkaroon ng disiplina sa iyong sarili. Bigyan ng panahon ang ilang kaibigan. Kasabihan para sa 2009: Kung may magbibigay sa iyo ng paghamon, maaaring interesado sa iyo ang taong ito.

[baguhin] Virgo (Agosto 23-Setyembre 22)

Kandidato ka sa mas mabigat na posisyon. Sinasaluduhan ang iyong pagiging pagkamalikhain. Sa taong ito ay mas maaaring lumaki pa ang iyong mga negosyo kayat tinatayang mas mapapabuti ang pinansiyal na kalagayan. Higit na magiging mas matatag ang iyong relayon sa pinaglilingkuran. Ipinapayo ang pagiging kalmado sa mga pagsubok. Ang kahibangan sa isang karelasyon ay tigilan na, maaring maglagay ito sa iyo sa alanganin. Ksabihan para sa taong 2009: May nakalaang swerte na darating sa takdang panahon.

[baguhin] Libra (Setyembre 23-Oktubre 22)

Sinalubong mo ang pagdating ng 2009 na puno ng romansa, pagkamalikha at pagiging produktibo. Ayon sa iyong bituin, kung ikaw ay may edad na, dinaig mo ang isang kabataan na haling sa pag-ibig. Marami ang ikakasal sa taong ito, sa pagitan ng buwan ng Marso at Abril. Hindi sinasabing magdesisyon kang magpakasal na rin. May kalungkutan pa rin na maaaring humarang sa iyong daanan. Sa pagdating ng undas, pumapasok ka sa isang 28 year life cycle. Maging handa! Kasabihan para 2009: Lumayo sa mga bagay na hindi na maaaring pakinabangan pa.

[baguhin] Scorpio (Oktubre 23-Nobyembre 21)

Higit na maraming oportunidad ang naghihintay sa iyo. May posibilidad na mapaayos ang inyong tahanan o lumipat na lamang sa isang mas malaki. Makararamdam ng mas matimbang na kaligayahan at sekyuridad. Ang pag-ibig naman para sa wala pang kataling-puso ay hindi magiging napakatatag. Hindi mo nalalaman kung ano ang susunod na magaganap. Nauuhaw ka at nangangailangan sa likot o saya ng buhay, ipinapayong hindi ito magiging isang ganap na relasyon hanggat walang isang buong taon ang itatagal. Kasabihan para sa 2009: Magiging mahusay ang iyong pagpili kung alam mo kung paano pakibagayan ang panahon.

[baguhin] Sagittarius (Nobyembre 22-Disyembre 21)

Maging masayahin sa taong 2009. Bigyan ng atensyon ang propesyunal na bahagi ng buhay. Maaari din namang dagdagan pa ang kabuhayan sa pamamagitan ng pagkuha ng part time job. Iwasan ang maging magastos at magkaroon ng kontrol sa pananalapi. Isangkot ang sarili sa mga gawaing espirituwal at panrelihiyon. Iwasan ang pagmamalabis sa oras na ginugugol lamang sa mga walang saysay na biyahe at pakikisalamuha sa mga kaibigan. Palawakin pa ang nalalaman. Mag-aral ng isang kursong interesado ka. Kasabihan para sa 2009: Ihayag anuman ang iyong nararamdaman.

[baguhin] Capricorn (Disyembre 22- Enero 19)

Naging maswerte ang iyong 2008. Ngunit hindi mo alam kung paano iyon nangyari. Ngayon, ang sentro ng iyong swerte ay nasa punto ng pananalapi. Ang magandang balita, mapapakinabangan ang iyong naipon. Iwasang gumasta hanggat wala ang pera sa iyong mga kamay. Maraming pagbabago ang magaganap sa iyo sa taong 2009. Hwag mabahala. Paghandaan ito. Kasabihan para sa 2009: Hwag labanan ang hindi maiiwasan.

[baguhin] Aquarius (Enero 20-Pebrero 18)

Natural lamang na umabot sa sukdulan ang mga bagay sa iyong buhay ngayong 2009. Ang iyong popularidad ay maaaring sumibad o lumipad nang napakataas . Pagsusumikapan mong ipakita sa lahat ang iyong propesyunalismo. May kakayahan kang ipakilala ang iyong sarili at ito ang iyong magiging tuntungan upang magtagumpay. Matatagpuan ang isang bagong pag-ibig para sa mga nasawi. Maglibang at maging kampante. Umiwas sa tensyon na maaaring pagmulan ng sakit. Kasabihan para sa 2009: Maaaring maging matarik ang daan , hwag itanong kung kung paano ito malulusutan.

[baguhin] Pisces (Pebrero 19-Marso 20)

Magkakaroon ng mas maraming kaibigan subalit ipinapayong maging maingat- maaaring hindi ang tunay nilang kulay ang ipinapakita sa iyo. Papupurihan ng kinauukulan ang iyong mga pagsusumikap. Kakatok ang swerte at ang kabutihang loob mo ang magdadala sa iyo sa tagumpay. Sikaping umabot sa taning ng pagsusumite ng mga bagay. Dadaan sa isang pagsubok ang iyong buhay-pag-ibig. Kasabihan para sa 2009: Ugaliing maging makatotohanan.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.