Sa Ngalan ng Diyos

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Sa Ngalan ng Diyos ni Faustino Aguilar.


Ang Sa Ngalan ng Diyos ay isang nobelang Tagalog na sinulat ni Faustino Aguilar. Una itong nailimbag noong 1911. Isang parikala ang pamagat nito sa pinakatema ng nobela na tungkol sa masamang paggamit ng kapangyarihan ng simbahan.


Mga nilalaman

Kwento

Ang nobela na ito na katha ni Faustino Aguilar ay kwento ni Carmen, isang ulila na napag-iwanan ng lahat ng kayamanang ikinayod ng kanyang mga magulang. Dahil relihiyosa si Carmen, naging malapit siya sa mga Heswitang pari, at, di nagtagal, sinubukan siyang himukin ng mga ito na pumasok sa kumbento, upang masalin sa simbahan ang kanyang kayamanan. Sa katapusan ng nobela, maitatanong ng mambabasa kung anu-ano ngang mga bagay ang tunay na ginagawa sa ngalan ng Diyos.


Mga Tala tungkol sa Nobela

Naging kakaiba ito sa ibang nobela dahil sa pagtutok nito sa mga Hesuwita, hindi gaya ng sa Noli Me Tangere ni Jose Rizal na puntirya naman ang mga prayleng Dominicano at Augustinian. Dahil sinabing hango ito sa totoong kwento ng kasakiman ng mga pari, isang karanasan ng kanyang ama na pinagbintangang Mason, kontrobersiya at kritisismo ang nasapit ng Sa Ngalan ng Diyos nang una itong nailathala noong 1911.



Sanggunian

  • Sa Ngalan ng Diyos. Vibebookstore.com. (Hinango noong 22 Marso 2013)
  • Sa Ngalan ng Diyos. Filipiniana.net. (Hinango noong 22 Marso 2013)
  • Aguilar, Faustino . Sa Ngalan ng Diyos. Manila: Limbagan at Aklatan ni I. R. Morales, 1911.



Panlabas na Kawing


Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.