Rio Alma

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Rio Alma ang sagisag panulat ni Virgilio S. Almario, na ngayon ay nasa Orden ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan. Si Rio Alma ang sumulat ng mahigit sampung aklat ng tula na humahalukay at sumasalamin sa Filipinas, at maituturing na pangunahing panlaban ng Filipinas sa Premyo Nobel. Ang naturang sagisag panulat ay hindi ginagamit ni Almario sa kaniyang ibang akda, gaya ng sanaysay, kritika, kuwento, at salin.

Ang "Rio Alma" ay hindi pinagtambal na "Rio Locsin" at "Alma Moreno," gaya ng akala ng marami; bagkus pinagbaligtad na mga titik lamang ng "Almario." Sa Espanyol, nangangahulugan yaon ng "kaluluwa ng ilog." Pinangatawanan ni Rio Alma ang gayong pahiwatig, at ngayon ay nakalikha na siya ng karagatan ng talinghagang dapat abangan ng buong daigdig.

[baguhin] Kaugnay na Artikulo