Rene O. Villanueva

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Si Rene O. Villanueva ay isang tanyag na manunulat ng mga librong pambata, mga dula, at mga dayalogo sa telebisyon at pelikula.

Mga nilalaman

[baguhin] Buhay at edukasyon

Isinilang si Villanueva noong ika-22 ng Setyembre 1954 sa La Loma, Lungsod ng Quezon, sa mag-asawang Francisco at Vicenta Villanueva. Nakapagtapos siya ng kursong Kasaysayan sa Lyceum of the Philippines noong taong 1969.

[baguhin] Karera

Nagsimulang magsulat ng mga dula at libro para sa mga bata si Villanueva noong dekada '70 at nailimbag ang mahigit limampung librong siya ang may akda mula noon. Nakamit niya ang kanyang unang gantimpala sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature noong 1980 para sa isang maikling dulang pinamagatang “Kumbersasyon.” Isa lamang iyon sa marami niyang akda na nabigyang gantimpala at nagluklok sa kanya sa Palanca Hall of Fame noong 1995. Isa siya sa mga unang nagsulat para sa serye ng Aklat Adarna. Dati rin siyang prodyuser ng programang pambata na “Batibot” na sumikat noong dekada '80. Siya ang naging ikalawang patnugot ng isang seksyon ng Diyaryo Pilipino; patnugot ng Diliman Review; sanggunian ng “Children's Communication Center”; orihinal na punong manunulat ng “Philippine Sesame Street Project”; at malikhaing director ng “Philippine Children's Television Foundation, Inc.” Naging pangalawang propesor si Villanueva ng Departamento ng Pilipino sa Kolehiyo ng Sining at Letra ng Unibersidad ng Pilipinas. Kasabay nang pagsusulat at pagtuturo ay naging miyembro din si Villanueva ng “Likhaan: U.P. Institute of Creative Writing,” Galian sa Arte at Tula, “U.P. Writers Club,” Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas, at “The Writers Bloc, Inc.”

Rene O. Villanueva

Si Rene Villanueva ay isang manunulat. Kilala siya sa kanyang mga gawa para sa teatro, telebisyon, at sa panitikang pambata.

Nagsimula ang kanyang buhay bilang manunulat sa dulo ng dekada '70, kung kailan umakda siya ng mga dula, kwentong-pambata, at sanaysay. Ginawaran siya ng Gawad CCP Para sa Sining (Literatura) noong 2004, at nahirang siyang Pinakamahusay na Alagad ng Sining sa 2005 Gawad Chanselor sa UP.

Nabibilang si Rene Villanueva sa unang hanay ng mga manunulat na naisama sa Hall of Fame ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.


[baguhin] Mga Parangal

  • The Outstanding Young Persons of the World
  • New York Film and TV Festival
  • First Latin American Video and Film Festival (sa Columbia)
  • Japan Prize (para sa kategoryang preschool)
  • Prix Juenesse Winner (Germany)
  • The Outstanding Young Men Award
  • CCP
  • Gawad Collantes
  • Gantimpalang Quezon
  • National Book Award
  • Palanca

[baguhin] Mga Likha

[baguhin] Mga Dula

  • Sixteen and Three Fourths (1975)
  • Burles (1977)
  • Tribu (1979)
  • Kontsabahan sa Tirarang (1979)
  • Hiblang Abo (1980)
  • Sinakulo (1981)
  • Sandaang Panaginip (1981)
  • Samperang Muta (1982)
  • Madyik (1983)
  • Sigwa (1984)
  • Huling Istasyon (1983)
  • Ang Hepe (1986)
  • Awit ng Adarna (1987)
  • Botong (1989)
  • Tonyo (1990)
  • Kalantiaw (1994)
  • Bintao (1995)
  • The Bomb! (2003)

[baguhin] Mga Maiiksing Dula

  • Kumbersasyon (1980)
  • May Isang Sundalo (1981)
  • Nana (1982)
  • Huling Gabi sa Maragondon (1983)
  • Punla ng Dekada (1984)
  • Kaaway sa Sulod (1986) (kasama si Rolando S. Dela Cruz)
  • Mabuhay ang Pangulo (1987) (kasama si Rolando S. Dela Cruz)
  • Asawa (1987) (kasama si Rolando S. Dela Cruz)
  • Teodora (1993)
  • Gregoria (1993)
  • Dobol (1994)
  • Watawat (1999)
  • White Love (2004)
  • Bertdey ni Guido (2007)

[baguhin] Mga Dulang Dokumentaryo

  • Sa Sariling Bayan (1988)

[baguhin] Mga Pagsasalin at Halaw

  • Florente at Laura (1988)
  • Ang Napigil-Sanang-Paghahari ni Arturo Ui (1987) (kasama si Joey Baquiran)
  • Sutsot sa Dilim (1985)
  • Crimes of Passion (1985)
  • Awit ng Adarna (1984)
  • Sa Kuko ng Liwanag (1993)
  • "Isperekengkeng Isperekangkang" (2005)

[baguhin] Mga Dulang Pambata

  • Tiktipak-long (1984)
  • Si Pagong at si Matsing (1984) (may musikang gawa ni Lucrecia Kasilag)
  • Ang Apoy ng mga Hayop (1987) (may musikang gawa ni Lucrecia Kasilag)
  • Aguinaldo sa Niño (1987)
  • Noong Unang Panahon (1988)

[baguhin] Screenplays

  • Gabi na Kumander (1986)
  • Kamagong (1987)
  • Anak ng Lupa (1987)

[baguhin] Talambuhay

  • Personal: Mga Sanaysay Sa Lupalop Ng Gunita

[baguhin] Mga Teleplay

  • Gabay Sa Pagsulat At Anim Na Dulang Pantelebisyon
  • Literature Eksena't Saknong (kasama si Ligaya G. Tiamson Rubin)

[baguhin] Mga Aklat na Pambata

  • Ang Pamilyang Ismid inilathala ng Cacho Publishing House at Philippine Children’s Television Foundation
  • Ang Patsotsay Na Iisa Ang Pakpak inilathala ng Cacho Publishing House at Philippine Children’s Television Foundation
  • Ang Prinsipeng Ayaw Maligo inilathala ng Cacho Publishing House.
  • Ang Unang Baboy Sa Langit inilathala ng Cacho Publishing House. [unang parangal, Don Carlos Palanca Memorial Award for Literature, children's story, (Tagalog) 1990]
  • Ayokong Pumasok Sa Paaralan inilathala ng Cacho Publishing House.
  • Dagat Sa Kama Ni Troy inilathala ng Cacho Publishing House.
  • Gusto Kong Kumain Ng Pansit Ngayon inilathala ng Cacho Publishing House.
  • Kung Bakit Umuulan inilathala ng Cacho Publishing House.
  • Nagsasabi Si Patpat inilathala ng Cacho Publishing House.
  • Nasaan Ang Tsinelas Ko? inilathala ng Cacho Publishing House.
  • Okaka-okaka inilathala ng Cacho Publishing House.
  • Sina Elephas At Estegodon Noon Unang Panahon inilathala ng Cacho Publishing House.
  • Si Inggolok At Ang Planeta Pakaskas inilathala ng Cacho Publishing House at Philippine Children’s Television Foundation
  • Si Paula Oink-oink inilathala ng Cacho Publishing House
  • Sina Linggit Laban Kay Barakuda inilathala ng Cacho Publishing House at Philippine Children’s Television Foundation
  • Lumikha Ng Kuwento, Tula At Laruang Pambata (kasama sina Virgilio Almario, Annaleah Habulan, Michelle Parazo Manual)
  • The Rene O. Villanueva Children's Reader inilathala ng Cacho Publishing House.


[baguhin] Mga parangal

  • National Fellow for Drama, UP Creative Writing Center (1985)
  • Writer-in-Residence, UP Writers Workshop (1986)
  • Best Screenplay for "Gabi na, Kumander", Catholic Mass Media Award (1987)
  • Best Stage Production, "Hiblang Abo", Aliw Award (1987)
  • Gawad Pagkikilala of the National Language Institute (1988)
  • Gawad CCP sa Telebisyon (1991)
  • National Book Awards for drama for "May Isang Sundalo at Iba Pang Dula" (1989) and for "Ang Unang Baboy sa Langit" (1992)
  • Ten Outstanding Young Men (TOYM), for Literature (1991)
  • Outstanding Young Persons of the World (1993)
  • Palanca Hall of Fame (1995)
  • CCP Literature Grant for Children's Play in Filipino
  • 3 CCP Playwriting Contest Awards
  • 2 Palihang Aurelio V. Tolentino Playwriting Contest Awards
  • Prix Jeunesse International, Batibot (for which he wrote lyrics)
  • International Advisors' Award
  • Gold Medal, Youth Category, Nguyamyam, New York Film and TV Festival

[baguhin] Carlos Palanca

  • First Prize, Kumbersasyon, Dulang May Isang Yugto (1980)
  • First Prize, May Isang Sundalo, Dulang May Isang Yugto (1981)
  • Second Prize, Nana, Dulang May Isang Yugto (1982)
  • First Prize, Huling Gabi sa Maragondon, Dulang May Isang Yugto (1983)
  • Second Prize, Punla ng Dekada, Dulang May Isang Yugto (1984)
  • First Prize, Sigwa, Dulang Ganap ang Haba (1984)
  • Third Prize, Ang Hepe, Dulang Ganap ang Haba (1986)
  • Second Prize, Awit ng Adarna, Dulang Ganap ang Haba (1988)
  • Third Prize, Bertdey ni Guido and Sa Bayang Walang Batas, Maikling Kwentong Pambata (1989)
  • First Prizes, Ang Unang Baboy sa Langit and Tungkung Langit at Alunsina (1990)
  • Third Prize, Botong, Dulang Ganap ang Haba (1990)
  • Third Prize, The Zimbragatzes of the Planet Zing, short story for Children (1992)
  • Honorable Mention, She Devil, One-Act Play (1992)
  • First Prize, Nemo, Ang Batang Papel, Maikling Kuwentong Pambata (1992)
  • First Prize, Kuwento ni Malinis, Maikling Kuwentong Pambata (1993)
  • Third Prize, Dagat sa Kama ni Troy, Maikling Kwentong Pambata (1994)
  • Third Prize, Dobol, Dulang May Isang Yugto (1994)
  • First Prize, Kalantiaw, Dulang Ganap ang Haba (1994)
  • Second Prize, Blip, Maikling Kuwentong Pambata (1995)
  • Third Prize, Bintao, Dulang Ganap ang Haba (1995)
  • First Prize, Salubong, Dulang Pantelebisyon (1998)
  • First Prize, Tatlong Ungas, Maikling Kuwentong Pambata (1999)
  • First Prize, Watawat, Dulang May Isang Yugto (1999)

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.