Rehiyon VIII

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Rehiyon VIII
Rehiyon ng Silangang Visayas
Sentro ng rehiyon Lungsod ng Tacloban, Leyte
Populasyon

 – Densidad

4,101,322[1]
176 [2] bawat km²
Lawak 23,253.95 [3] km²
Dibisyon

 – Lalawigan
 – Lungsod
 – Bayan
 – Barangay
 – Distritong pangkongreso


6
7[4]
136[5]
4,390[6]
18[7]
Wika Cebuano, Waray-waray, Inabaknon, Sagul[8]


Ang Silangang Visayas o Rehiyon VIII ay matatagpuan sa gitnang bahagi ng Pilipinas. Isa ang Rehiyon ng Silangang Visayas sa tatlong rehiyon na nag-uugnay sa Luzon at Mindanao sa pamamagitan ng National Maharlika Highway. Naliligiran ang rehiyon ng Surigao Channel ng Mindanao sa timog; San Bernardino Strait sa hilaga; ng mga dagat ng Maqueda, Camotes at Bisaya; ng Gulpo ng Leyte at Karagatang Pasipiko sa silangan[9].

Binubuo ng tatlong mayor na pulo ang Rehiyon ng Silangang Visayas; sa mga pulong ito nakapaloob ang mga lalawigang bubuo sa rehiyon: Biliran sa Isla ng Biliran; Silangang Samar, Kanlurang Samar, Hilagang Samar sa Isla ng Samar; at Leyte, at Timog Leyte sa Isla ng Leyte.

Ang mga Lungsod na nasa rehiyon ay ang mga sumusunod[10]:

Ang politikal at administratibong sentro ng rehiyon ay ang Lungsod ng Tacloban.

Mga nilalaman

[baguhin] Mga Natatanging Lugar sa Rehiyon

[baguhin] Mga Hanapbuhay sa Rehiyon

[baguhin] Mga Bundok at Talon

Matatagpuan sa Rehiyon ng Silangang Visayas ang ilan sa mga bundok tulad ng Bundok Alto at Magsanga sa Leyte, at Bundok Tres Marias sa Biliran[11]. Matatagpuan naman sa Isla ng Samar ang mga dinarayong talon ng Bangon-Bugtong at Veriato.

[baguhin] Pagkakahating Pulitikal

Lalawigan Kabisera Sukat
(km²)[12]
Densidad
(bawat km²)[13]
Biliran Naval 555.4 252.6
Silangang Samar Lungsod ng Borongan 4,340 86.6
Hilagang Samar Catarman 3,498 143.1
Kanlurang Samar Lungsod ng Catbalogan 5.591 114.7
Leyte Lungsod ng Tacloban 6,268 278.7
Timog Leyte Lungsod ng Maasin 1,734.8 207.6

[baguhin] Populasyon

Batay sa senso na nakalap ng National Statistics Office hanggang 1 Mayo 2010, umaabot sa 4,101,332 ang total na populasyon ng rehiyon, kumpara sa 3,054,490 bilang noong 1990. Pinakamarami ang bilang ng mamamayan na bumubuo sa lalawigan ng Leyte. May kabuuang growth rate ang rehiyon na 1.48 sa datos na mula taong 1990 hanggang 2010 [14].

Lalawigan Populasyon: 1990 – 2000 – 2010 Growth Rate: 1990-2000 – 2000-2010 – 1900-2010
Biliran 118,012 – 140,274 – 161,760 1.74 – 1.43 – 1.59
Silangang Samar 329,335 – 375,822 – 428,877 1.33 – 1.33 – 1.33
Hilagang Samar 383,654 – 500,639 – 589,013 2.69 – 1.64 – 2.17
Kanlurang Samar 533,733 – 641,124 – 733,377 1.85 – 1.35 – 1.60
Leyte (hindi pa kasama ang Lungsod ng Taclogan) 1,230,925 – 1,413,697 – 1,567,984 1.39 – 1.04 – 1.22
Lungsod ng Tacloban 136,891 – 178,639 – 221,174 2.70 – 2.16 – 2.43

[baguhin] Pamumuno

Narito ang lista ng ihinalal na pinuno at representante sa kongreso ng bawat lalawigan at distrito na magsisilbi sa mamamayan ng Rehiyon ng Kanlurang Visayas mula 2013 hanggang 2016 [15].

Lalawigan Gobernador Bise Gobernador Mga Kinatawan sa Kongreso
Biliran Gerryboy Espino Boboy Tubis Rogelio Espina, Nag-iisang Distrito
Silangang Samar Aklan Nicart Marcelo Picardal Ben Evardone, Nag-iisang Distrito
Hilagang Samar Jun Ong Gary Lavin Harlin Abayon, Unang Distrito; Emil Ong, Ikalawang Distrito
Kanlurang Samar Ann Tan Jimboy Tan Mel Sarmiento, Unang Distrito; Mila Tan, Ikalawang Distrito
Leyte Dominico Petilla Carlo Loreto FM Romualdez, Unang Distrito; Sergio Apostol, Ikalawang Distrito; Andres Salvacion, Jr., Ikatlong Distrito; Lucy Marie Gomez, Ika-apat na Distrito; Boying Cari, Ikalimang Distrito
Timog Leyte Oging Mercado Berting Lagumbay Damian Mercado, Nag-iisang Distrito

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Panlabas na Kawing

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.