Ramon Magsaysay

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap


Ramon Magsaysay
Ph pres magsaysay.jpg
Kasalukuyang Nanunungkulan
Ika-7 Pangulo ng Pilipinas
Ika-3 Pangulo ng Ikatlong Republika
Panahon ng Panunungkulan
Disyembre 30, 1953Marso 17, 1957
Vice president
Carlos P. García
Predecessor
Elpidio Quirino
Successor
Carlos P. García
Kapanganakan Agosto 31, 1907
Iba, Zambales
Kamatayan Marso 17, 1957
Bundok. Manunggal, Balamban, Cebu
Partidong politikal Partidong Nasyonalista
Propesyon Inhinyero
Asawa Luz Banzon
Relihiyon Katoliko

Si Ramon del Fierro Magsaysay o Ramón "Monching" Magsaysay[1] (Agosto 31, 1907Marso 17, 1957) ang ikatlong pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas mula Disyembre 30, 1953 hanggang sa kanyang kamatayan.

Si Magsaysay ay isinilang sa Iba, Zambales noong Agosto 31, 1907 kina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro. Nag-aral sa Pamantasan ng Pilipinas at Jose Rizal College.

Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors bago magkadigma. Nang bumagsak ang Bataan inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon" at Pinalaya ng pwersang Amerikano at Pilipino ang Zambales noong Enero 26, 1945. Noong 1950, bilang kalihim ng Pagtatanggol kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap. Pinigil niya ang panganib na lilikhain ng pulahang Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan. Noong eleksyon ng 1953, tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng republika.Padron:Fact Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia.

Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Huk o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya".

Siya ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng pamahalaan. Subalit nagwakas ito ng mamatay siya dahil sa isang pagbagsak ng eroplano sa isang bundok sa Manunggal, Cebu noong Marso 17, 1957.

[baguhin] Sanggunian

  1. Ramón "Monching" Magsaysay. Author: Karnow, Stanley., "In Our Image, America's Empire in the Philippines", Random House, Inc., New York, ISBN 0394594759, 1989








[baguhin] Pagkilala

Smallwikipedialogo.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Ramon Magsaysay. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.