Rabies

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Rabies day logo1.jpg

Ang Rabies ay dulot ng virus na may epekto sa central nervous system. Nagmumula ang virus na ito sa kagat o laway ng isang hayop na tagapagdala ng rabies. Bawat dapuan ng rabies ay tiyak na kamatayan ang sasapitin kung hindi mabibigyan ng agarang lunas.

Mga nilalaman

Pangunang Lunas (First Aid)

Kung may malay ang pasyente, itanong kung saang bahagi siya nakagat o kung hindi ito maaari, hanapin ang bakas ng kagat. Ang bakas ay maaaring matagpuan sa halos ano mang parte ng katawan ngunit kalimitang nasa mukha, kamay, braso at binti. Ang kagat ay maaaring mag-iwan ng malalim na sugat sa balat o di kaya simpleng galos lamang. Dahil sadyang madiin ang kagat ng aso, maaari itong magdulot ng punctured wound o butas na sugat.

Kagat ng aso

Kapag nakagat ng hayop, ang unang dapat gawin ay linisan nang mabuti ang sugat gamit ang tubig at sabon. Makatutulong ito upang mapigilan ang pagkalat ng impeksiyong dala ng iba pang duming karaniwang namamalagi sa bibig ng hayop. Maaari rin itong makatulong sa pagpigil sa pagkalat ng virus ng rabies.<ref name=webmd>Rabies Treatment, firstaid.webmd.com, hinalaw noong: 09 Pebrero 2011</ref>

Paduguin ang sugat na mula sa kagat ng anumang hayop na pinaghihinalaang may rabies. Gawin ito habang hinuhugasan ang bahaging nakagat. Ipinapayo ring pahiran ito ng alcohol, povidone-iodine (gaya ng Betadine) o anumang gamot pansugat.

Kung maaari, huwag kalimutang kunin ang pangalan ng may-ari (kung alagang hayop ang nakakagat) at kanyang tirahan at numero sa telepono upang maging madali ang koordinasyon, lalo na't kailangang obserbahan ang kanyang alaga. Kung mahirap malaman kung saan nagmula ang hayop, ipagbigay-alam ang sitwasyon sa kinauukulan para mahuli ito at maobserbahan. Huwag nang tangkaing hulihin ang hayop kung walang makakatulong na talagang marunong dahil baka madagdagan pa ang nakuhang sugat at kalmot.<ref name=webmd/> Tandaan rin na may posibilidad na naipasa na ang rabies kahit wala namang halatang ebidensiya ng kagat, halimbawa sa mga kasong paniki ang pinanggalingan ng atake.<ref name=webmd/>

Agad na magpakunsulta sa doktor o sa pinakamalapit na Animal Bite Treatment Center. Kung kinakailangan, ang malalalim na sugat ay tatahiin o tatanggalan ng mga patay na laman. Depende sa sugat na natamo, maaari ring magbigay ng antibiotics at bakuna laban sa tetanus.

Karaniwang ibinibigay ang bakuna laban sa rabies kung hindi matagpuan ang hayop para maobserbahan. Ginagawa rin ito kapag ang pasyente ay nanggaling sa isang lugar kung saan endemic (madalas panggagalingan ng mga kaso) ang rabies, o kaya may hinala nang may rabies nga ang nakakagat na hayop. Rabies Immune Globulin (RIG) ang bakunang karaniwang ginagamit. Depende sa timbang ng pasyente ang dosis na ibinibigay. Batay sa rekomendasyon ng Advisory Committee for Immunization Practices (ACIP), mainam kung ituturok ang kalahati ng dosis sa mismong lugar ng kagat. Ginagamit ring bakuna ang hyperimmune equine rabies serum at Human diploid cell vaccine (HDVC).

Mga Dapat Tandaaan

  • Iparehistro at pabakunahan ang mga alagang hayop, lalo na ang mga aso
  • Sa mga pamahalaang lokal (local government units), ipasa at ipatupad ang mga ordinansang may kinalaman sa populasyon at limitasyon sa paggala o movement control ng mga aso, pagpapanatili ng kalinisan ng mga kulungan ng mga ligaw na aso at paglalagay ng kaukulang badyet para sa pagpapabakuna ng tao at hayop.

World Rabies Day

Idinaraos ang taunang World Rabies Day tuwing Setyembre 28 upang manariwa ang kamalayan sa rabies at ipagpatuloy ang malawakang kampanya sa pag-iingat sa naturang sakit. Iba't ibang kaganapan ang nangyayari sa iba't ibang paning ng daigdig upang maipalaganap ang kaalaman sa rabies.

Mga Kaganapan

Sa Pilipinas noong 2008, halimbawa, isinagawa sa Maynila; Tayabas, Quezon; La Union; at Baybay City, Leyte ang mga sumusunod kaugnay ng World Rabies Day:


  • Maynila - idinaos noong Setyembre 23 (1pm) at Setyembre (9pm) ang Rabies Pre-Exposure Program Launch na pinamunuan ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines (PIDSP). Ito ay isang non-profit na organisasyon ng mga pedyatrisyan na magbibigay ng kasanayan sa iba pang doktor ng bata tungkol sa rabies at prebensyon nito lalo na pagdating sa pre-exposure prophylaxis. Ang proyektong ito ay may layunin ding magpalaganap ng sapat na kaalaman ukol sa rabies sa mga health worker, kabataan, magulang, guro at mga opisyal ng gobyerno.
  • Tayabas City, Quezon - idinaos noong Setyembre 2-25 (2:00-5:00pm) ang Rabies Awareness and Responsible Pet Ownership Lecture and Video Showing in Elementary Schools sa lungsod ng Tayabas. Ang pamahalaan ng Tayabas sa pangunguna ng Office of the City Veterinarian ang nagsagawa ng serye ng pagtuturo ukol sa rabies. Namigay din sila ng mga babasahin sa mga dumalo sa naturang pagtuturo. Sa paraang ito, naipalaganap nila ang pambansang layunin, Rabies-Free Philippines sa taong 2020.
  • La Union - idinaos noong sa Setyembre 16 hanggang Styembre 28 (8:00-11:00am) sa Don Mariano Marcos Memorial State University (DMMMSU) sa La Union ang World Rabies Day 2008. Kasama sa mga kaganapan ang klinika para sa Rabies Vaccination na tumgal ng dalawang linggo sa Bacnotan at San Gabriel, La Union noong Setyembre 16-28. Nagkaroon din ng Educational campaign sa Bacnotan Central School at para sa mga estudyante sa elementarya, hayskul at first year college ng DMMMSU noong Setyembre 22-23 at 26. Nagsagawa din ng poster, slogan at essay writing na patimpalak sa DMMSU noong Setyembre 22. Panghuli ang parada ng mga aso at pagpapatunghay sa pag-iwas sa kagat ng aso noong Setyembre 22.
  • Baybay City, Leyte - noong Oktubre 1-7 (7:00am-5:00pm), isinagawa ang pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa rabies sa pamamagitan ng seminar sa dalawang barangay sa Leyte. Nagkaroon din ng pagbabakuna laban sa rabies pagkatapos ng seminar.

Sanggunian

<references />

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.