Proyekto:Pangkalahatang pagtanggi
Mula Wikifilipino
Nilalaman |
Hindi ginagarantiya ng WikiFilipino na balido ang nilalaman nito
Bayanihang proyekto ng pagsusulat sa himpapawid ang WikiFilipino, at maituturing na alanganing ensiklopedya at alanganing magasin. Nakasalalay ito sa mga tao at pangkat na nagpapaunlad ng pangkalahatang batis ng karunungan ng sambayanan. Sinumang may kompiyuter at konektado sa internet ay makapagsusulat at makapag-eedit ng nilalaman nito. Anumang nilalaman nito ay hindi kagyat na nirepaso ng mga tao na may kasanayan at kadalubhasaang magbibigay sa inyo ng ganap, angkop, at mapagtitiwalaang impormasyon.
Walang pagrepaso ng mga kasama
Hindi mananagot ang sinumang tagapag-ambag, isponsor, editor, administrador, o sinumang konektado sa WikiFilipino sa paglitaw ng anumang mali o mapanyurak na impormasyon o sa paggamit ninyo ng impormasyong naririto o nakakawing mula sa mga pahinang web nito.
Walang kontrata; limitadong lisensiya
Tiyaking nauunawaan ninyo na ang impormasyong nakasaad dito ay ibinibigay nang libre, at walang kasunduan—pasulat man o pabigkas—sa panig ninyo at sa mga may-ari o gumagamit ng pook na ito, o sa mga may-ari ng server, at sa sinumang administrador ng proyekto, sysop, at tao na konektado sa proyekto o sa mga kapatid nitong proyekto hinggil sa inyong paghahabol laban sa kanila. Binibigyan kayo ng limitadong lisensiya na kumopya ng anumang bagay mula sa pook na ito; ngunit hindi nangangahulugan o nagsasaad iyon na may kasunduan o pananagutan ang WikiFilipino o ang sinuman sa mga ahente, kasapi, organisador, o iba pang tao na gumagamit nito.
Walang kasunduan o pagkakaunawaan kayo at ang WikiFilipino hinggil sa inyong paggamit o pagbabago ng impormasyong ito nang lagpas sa itinatadhana ng GNU Free Documentation License (GFDL). Walang sinumang mula sa WikiFilipino ang mananagot kung may tao na nagdagdag, nagbawas, nagbago, o nag-edit ng anumang impormasyon na ipinaskil ninyo sa WikiFilipino o sa anumang kaugnay nitong proyekto.
Walang propesyonal na payo
Kung kinakailangan ninyo ang tiyak na payo, halimbawa sa medisina, batas, o pananalapi, maimumungkahing humingi ng propesyonal na payo mula sa isang lisensiyado o dalubhasa sa gayong lárang.







