Premiere Productions, Inc

Mula sa Wikifilipino
Pagbabago mula noong 23:25, 16 Mayo 2008 ni Peyups18 (Usapan | ambag)

(pagkakaiba) ← Lumang pagbabago | Pangkasalukuyang pagbabago (pagkakaiba) | Bagong pagbabago → (pagkakaiba)
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Itinatag noong 1946, ang Premiere Productions, Inc ang natatanging kumpanyang pampelikula na naging aktibo pa rin matapos ang giyera. Karamihan sa mga pelikulang nagawa ng Premiere ay mga pelikulang pambakbakan. Kasama ang Sampaguita Pictures, Lebran, Inc at LVN Pictures, binubuo nila ang “Big Four” ng industriya ng pelikula sa Pilipinas.

Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan

Ang Premiere ay itinatag nina Dr. Ciriaco Santiago, Adela Hermoso Santiago, Silvestre M. Punzalan, Ricardo Marcelino, Jose P. Osorio, Ricardo Balatbat at Generoso Santiago. Ang unang pelikula na nagawa ng Premiere ay ang Probinsiyana na pinagbibidahan nina Carmen Rosales at Jose Padilla Jr, at ipinalabas noong 1946.

Gumawa rin sila ng mga aksyon na pelikula na may kahalagahang panlipunan sa ilalim ng direksyon nina Chat Gallardo, Ramon Estella, Alex Sunga at Gerardo de Leon.

Panandaliang tumigil sa pagawa ng pelikula ang Premiere noong 1952 hanggang 1956 dahil sa nagwelga ang mga manggagawa ng kumpanya. Dahil dito, umalis ang ibang artista at direktor ng Premiere at lumipat sa ibang kumpanya. Noong 1957, nasolusyonan ang problema tungkol sa mga manggagawa at nagpatuloy muli ang produksyon ng Premiere ng mga pelikula.

[baguhin] Mga Sumikat na Artista

Dahil sa karamihan ng mga pelikula ng Premiere ay aksyon, naging home studio ang Premiere ng mga sikat na artista sa bakbakan, tulad nina:

  • Efren Reyes
  • Johnny Monteiro
  • Jose Padilla Jr
  • Fernando Poe Jr
  • Zaldy Zshornack
  • Jose Romulo
  • Bob Soler
  • Danilo Montes
  • Eddie Fernandez

[baguhin] Ilang mga Pelikula

[baguhin] 1950's

  • Kamay ni Satanas, 1950
  • Sisa, 1951
  • Salabusab, 1954
  • Kalibre .45, 1957

[baguhin] 1960's

  • Huwag Mo Akong Limutin, 1960
  • Baby Damulag, 1961
  • Pitong sagisag, 1961
  • Apollo Robles, 1961
  • Awat na Adyang, 1961
  • Konsiyerto ng kamatayan, 1961
  • Ako ang katarungan, 1962
  • Sarah Sollente, 1962

[baguhin] 1970's

  • Women in Cages, 1971
  • Tarzán and the Brown Prince, 1972
  • Binhi, 1973
  • South Seas, 1974
  • Lorelei, 1974
  • Minsa'y Isang Gamu-gamo, 1976

[baguhin] 1980's

  • Taga sa panahon, 1980
  • Gabi ng lagim ngayon, 1980
  • Mga Pambato, 1982
  • The Expendables, 1988
  • Spyder, 1988

Ilang pelikulang ginawa ni Gerardo de Leon sa ilalim ng Premiere:

  • Bulaklak at Paru-paro, 1948
  • Kumander Sundang, 1949
  • 48 Oras, 1950
  • Padre Burgos, 1950
  • Doble Cara, 1950
  • Ang Kampana ng San Diego, 1950
  • Diego Silang, 1951
  • Sawa sa Lumang Simboryo, 1952
  • Bagong Umaga, 1952
  • Dyesebel, 1953
  • Eva at si Adan, 1954
  • Ifugao, 1954

[baguhin] Mga Larawan

[baguhin] Sanggunian

  • CCP Encyclopedia of Philippine Art. Vol VIII. Philippine Film. Manila: Cultural Center of the Philippines, 1994.
  • Premiere Productions. (Hinango noong 16 Mayo 2008).

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.