Ponema

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Sa wikang ginagamitan ng tinig, ang ponemaay ang pundamental at teoretikong yunit ng tunog na nagbubuklod ng salita. Nakakabuo ng ibang kahulugan kapag pinapalitan ang isang ponema nito.

[baguhin] Ponemang Malayang Nagpapalitan

Sa Filipino, may mga tunog (ponema) na malayang nakapagpapalitan. Sa pagkakataon malayang nagpapalitan ang ponema, nagiiba ang baybay ng salita ngunit hindi ang kanilang mga kahulugan.

Halimbawa: sa kaso ng titik e at i sa mga salitang lalaki at babae. Iisa lamang ang kahulugan ng lalake at lalaki; gayun din ang babae at babai. Malayang nakapagpapalitan ang mga segmentong e at i sa mga salitang lalaki, lalake, babae, at babai. Mga ponemang malayang nagpapalitan ang mga ito.

Karagdagang halimbawa: sa kaso ng d at r sa mga salitang mariin at madiin at gayundin sa marumi at madumi. Mga ponemang malayang nagpapalitan ang d at r sa salitang "marumi", "madumi", "mariin", at "madiin". at ang titik na "a" at "i" ay malayang nagpapalitan din sa salitang dayalekto o diyalekto.

Mahalaga sa "pagpapadulas" ng mga salita at pagpapabilis ng komunikasyon ang paggamit ng ponemang malayang nagpapalitan. Kadalasan ding ginagamit ang ponemang malayang nagpapalitan upang mabigyang diin ang mga salitang nagiiba ang tunog, depende sa lugar na pinaggagamitan. Sa iba't-ibang pulo o pook sa Pilipinas, iba-iba ang mga dayalekto o diyalekto

[baguhin] Ponemang suprasegmental

Mayroon apat na ponemang suprasegmental:

  • haba (length) - tumutukoy sa haba ng bigkas sa patinig ng isang pantig
  • tono (pitch) - tumutukoy sa pagbaba at sa lakas ng bigkas ng pantig
  • antala (juncture) - tumutukoy sa pansamantalang pagtigil ng ating ginagawa sa pagsasalita
  • diin (stress o emphasis) - ang lakas o bigat sa pagbigkas ng isang salita o pantig na makakatulong sa pagunawa sa kahalagahan ng mga salita

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

Smallwikipedialogo.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Ponema. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.