Pondo ng Pinoy

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

right|150px Ang Pondo ng Pinoy ay isang paraan ng simbahang Katoliko upang maipamalas ang pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong sa mga ito. Nakatala rin ito sa Securities and Exchange Commission bilang isang lehitimong organisasyon.

Mga nilalaman

Mga layunin

Ilan sa mga layunin ng Pondo ng Pinoy ay ang pagdadala ng kaunlaran para sa mga tinutulungan ng proyekto pati na rin sa mga nagbibigay ng tulong. Sinisikap din nito na malutas ang kahirapan sa aspetong materyal, ekonomikal, kultural, pulitikal at sosyal.

Kasaysayan

Nagsimula ang Pondo ng Pinoy sa pangunguna ni Most. Rev. Gaudencio Rosales, ang Arsobispo ng Maynila. Bunsod ito ng kahirapang nararanasan ng bansa. Tinipon ni Arsobispo Rosales ang mga pari at kasama ng ilan pang relihiyoso at miyembro ng simbahan ng Arsidiyosesis ng Maynila, gayundin ang mga kinatawan ng diyosesis ng Antipolo, Cubao, Imus, Kalookan, Malolos, Novaliches, Parañaque, Pasig at San Pablo. Kabilang rin sa mga dumalo ang mga kinatawan ng Puerto Princesa at Taytay. Inilunsad ang Pondo ng Pinoy noong ika-11 hanggang ika-12 ng Hunyo 2004 sa Folk Arts Theatre sa Roxas Boulevard, Lungsod ng Pasay.

Pondo ng Pinoy

Nagsisimula ang pakikiisa sa layunin ng Pondo ng Pinoy sa pagnanais na makatulong sa mga taong nangangailangan. Maihahalintulad ang gawaing ito sa pagkakaroon ng alkansya na hinuhulugan ng pera ngunit ang maiipon ay ibinabahagi sa mga taong mas nangangailangan nito. Madalas na naglalagay ng 25 sentimos sa mga bote ng tubig o kahit anong inumin hanggang sa mapuno at maihandog sa simbahan.

Kilala ang Pondo ng Pinoy sa panawagan nitong “Anumang magaling, kahit maliit basta't malimit ay patungong langit.”

Sanggunian

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.