Polusyon sa hangin

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang polusyon sa hangin, o air pollution sa Ingles, ay isang suliraning pangkapaligiran na kasalukuyang kinakaharap ng buong mundo. Sanhi ito ng pagkakaroon ng mga mapinsalang kemikal sa hangin. Sa modernong lipunan, ang polusyon sa hangin ay karaniwang nagmumula sa mga sasakyan at sa mga ibinubuga ng mga pabrika. Ang mga kabahayan at opisina ay may kontribusyon din sa polusyon sa hangin.

Mga nilalaman

[baguhin] Mga pollutant

Iba-iba ang pollutant sa hangin. Isa sa mga pinakamapinsalang pollutant sa hangin ay ang carbon dioxide (CO2). Ang CO2 ay natural na matatagpuan sa hangin, ngunit kapag mataas ang konsentrasyon nito, nagdudulot ito ng greenhouse effect o pag-init ng mundo. Ayon sa mga eksperto, tumataas ang konsentrasyon ng CO2 ng 4% kada taon. Ang CO2 ay nagmumula sa pagsunog ng fossil fuels.

Ang nitrogen dioxide (NO2) ay isa pang mapinsalang pollutant. Ito ay karaniwang nagmumula rin sa pagsunog ng fossil fuels at biomass. Ito ay kulay brown-red at may mabahong amoy. Ang NO2 ay isa sa mga sanhi ng pagnipis ng stratospheric ozone.

Ang sulfur dioxide (SO2) ay nagmumula sa pagsunog ng mga fuel na may sulfur katulad ng petroleum at coal. Ang mga pabrika ang karaniwang pinanggagalingan ng SO2. Ang SO2, kasama ng nitric oxide, ay bumubuo ng iba pang pollutants gaya ng nitric acid vapor at NO2 na kalauna’y nagiging acid rain.

Ang carbon monoxide (CO) naman ay ang ibinubuga ng mga sasakyan. Bagamat wala itong kulay at amoy, ito ay lubhang mapinsala.

Ang chlorofluorocarbons (CFCs) ay nagmumula sa mga aerosol spray at pagsunog ng mga plastic foam. Ang CFC ay isang greenhouse gas at nagdudulot ng pag-init ng mundo.

[baguhin] Epekto sa kalusugan

Ang polusyon sa hangin ay lubhang mapinsala sa pangangatawan. Ayon sa World Health Organization, 2.4 milyong tao ang namamatay taun-taon sanhi ng polusyon sa hangin.

Mula sa simpleng pag-ubo, pagkahilo at pagbahing, ang polusyon sa hangin ay maaaaring maging sanhi ng chronic obstructive pulmonary disease (COPD) gaya ng asthma, bronchitis, pneumonia, emphysema. Ang ilang sakit sa atay, puso at utak ay itinuturo ring dulot ng polusyon sa hangin.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.