Polusyon ng ingay

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang polusyon ng ingay, o noise pollution sa Ingles, ay isang uri ng polusyon na bagamat hindi pisikal ay nakapagdudulot ng panganib o nakaiistorbo sa mga gawain ng tao at hayop. Maaari itong magmula sa tao, hayop, industriya, transportasyon at ilan pang bahagi ng lipunan na may kapasidad gumawa ng matindi at napalakas na ingay.

Mga nilalaman

[baguhin] Sanhi

Marami ang maaaring pagmulan ng ingay. Sa modernong panahon, ang polusyon ng ingay ay karaniwang nagmumula sa linya ng transportasyon gaya ng sound alarm, busina at exhaust system ng mga tren, motorsiklo, kotse at bus. Ang mga sasakyang panghihimpapawid ay nakapagdudulot din ng polusyon ng ingay di lamang sa paligid ng mga paliparan, kundi pati sa mga ruta ng mga sasakyang ito. Malaki rin ang kontribusyon ng mga pabrika sa polusyon ng ingay. Ang kanilang mga makina, trak, at iba pang kagamitan ay sanhi ng polusyon ng ingay sa nakapaligid na lugar na karaniwan'y residential areas. Ang mga tahanan ay maaari ring magdulot ng polusyon ng ingay sa pamamagitan ng mga entertainment at kitchen appliances gaya ng telebisyon, stereo, food processor, blender, at iba pa.

[baguhin] Epekto

Bagamat kadalasang naisasantabi, ang epekto ng polusyon ng ingay ay napakalawak. Ang pinakapangkaraniwang epekto nito sa kalusugan, halimbawa, ay ang pagkawala ng pandinig. Sa katunayan, ang mga taong nagtatrabaho sa mga lugar na kadalasang maingay ay may problema sa pandinig.

Bukod pa rito, ang polusyon ng ingay ay maaari ring magdulot ng alta presyon at sakit sa puso. Ito ay sapagkat ang ingay ay nakakapagpataas ng blood pressure. Kapag may altra presyon ang isang tao, maaari siyang magkaroon ng sakit sa puso.

Ang polusyon ng ingay ay nagiging sanhi rin ng stress at kawalan ng konsentrasyon.

Bukod sa mga tao, ang polusyon ng ingay ay may malaking epekto sa mga hayop. Halimbawa, kapag malakas ang ingay sa kanilang habitat, ang kanilang mga normal na gawain gaya ng mating, pakikipag-communicate at paghahanap ng pagkain ay lubhang nagbabago, dahilan upang malagay sila sa panganib.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.