Pista ni San Juan

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Prusisyon sa pagbunyi kay San Juan Bautista

Ang Pista ni San Juan ay ipinagdiriwang tuwing ika-24 ng Hunyo kasabay sa paggunita ng kapistahan ni San Juan Bautista, ang patron ng lungsod ng San Juan at sa iba pang komunidad sa Filipinas.

Mga nilalaman

[baguhin] Kaugalian

Sa pista ng kapanganakan ni San Juan Bautista, ang santong nagbinyag kay Hesus, sinisimbulo nito ang "paglilinis" at paghahanda sa pagdating ni Hesus sa pamamagitan ng pagbinyang gamit ang tubig.

Madalas na ipinagdiriwang ng mga Filipino ang kapistahan ng mga santo sa kanilang kamatayan ngunit hindi si San Juan Bautista. Siya lamang ang santo na kung saan ang kaniyang kapanganakan ang ginugunita.

Tradisyonal na "Basaan"

Maaga pa lamang ay nagkakatipun-tipon sa mga kanto, kalye at ilan pang panulukan ng bayan ang mga bata at matatanda Sa mismong araw ng kapistahan. May ilang umiigib sa poso at nilalagyan ng tubig ang mga timba, tabo at iba pang lalagyan; at ang ilan ay mga naka-hose pang konektado sa mga gripo.

Karaniwang nagbabasaan ang mga handang makipagsaya, na halos maligo na sa kalsada; habang binubuhusan naman ng tubig ang ilang naglalakad o mga nakasasakyang dumaraan--motorsiklo, pedicab, traysikel, jeep, bus, at iba pa. Ang tradisyon na ito ay pinaniniwalaang tanda ng ating pagkakabinyag bilang mga Kristiyano. Dagdag pa dito ay ang paniniwalang ang mabasa sa pagdiwang na ito ay simbulo sa pagtanggap ng biyaya mula sa Panginoon.

[baguhin] Mga Kritisismo

Ang kasiyahang ito ay malimit na napupuna ng ibang mamamayan sapagkat ang ibang taong nambabasa ay hindi isinasaalang-alang ang mga papunta sa trabaho o sa iskwela. Dahil dito ay kapuna-puna ang iba't ibang reaksyon ng mga nababasa o nabubuhusan ng tubig: may mga handang makisaya, at may ilang naiinis o nagagalit--lalo sa mga may importanteng pupuntahan, o sadyang ayaw lamang mabasa. Sapagkat hindi na aalalahaning mabasa kung papunta man sa mga trabaho o eskwela, kalimitang ikinagagalit ng marami ang maruming tubig na ginagamit pambuhos o pambasa.

Isa pang taliwas na pagdiwang ay ang pagbuhos sa mga mamamayan ng tubig na galing sa kanal. Ito ay lubos na ikinagagalit ng mga taong dumadaan at madals na kinikwestiyon ang kahalagahan at tunay na diwa ng pagdiriwang ng kapistahan ni San Juan.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.