Pista ng Lem-lunay

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Pista ng Lem-lunay sa Sebu Lake

Ang Pista ng Lem-lunay ay ang taunang pasasalamat ng tribong T'boli sa kanilang paniniwala sa Lem-lunay, isang paraiso na nais nilang itaguyod muli para sa buong angkan ng tribo. Ito ay idinaraos tuwing Setyembre 16 hanggang 18 o ikatlong Linggo ng Setyembre sa Lake Sebu, Timog Cotabato.

Ang Lake Sebu, na matatagpuan sa Timog Cotabato ay napapalibutan ng mga burol at talon. Ito rin ay tahanan ng tribong T'boli. Namumuhay sa seklusyon, ang tribong ito ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagsasaka ng palay, mais at tubo at pangingisda ng tilapia. Kilala rin sila sa paghahabi ng magaganda at makukulay na kasuotan, paggawa ng intrikadong dekorasyong may aboloryo, tradisyonal na tansong palamuti at mapanlikhang paglala ng basket.

Mga nilalaman

Kasaysayan

Paglalabanan ng kabayo

Ang Pista ng Lem-lunay ay nagmula sa isang maliit lamang na pagdiriwang na may layong magbigay pasasalamat kay Santa Cruz. Ngunit noong dekada 70, isinama na sa pistang ito ang mga tampok na rituwal ng pasasalamat ng mga T'boli na tinatawag nilang Mo-inum. Ang komemoratib na misa na idinaraos sa huling araw ng selebrasyon ay mas nagkaroon ng kulay at kahulugan dahil sa pagsasanib ng pang etnikong rituwal at pamamaraang Katiliko.

Ayon sa mga T'boli, ang pista ng Lem-lunay ay nag-ugat sa kanilang paniniwala sa pagkakaroon ng isang Lem-lunay, isang paraiso noong panahon ng kanilang ninuno na nais nilang makamit at itaguyod muli para sa buong angkan ng T'boli. Ang pagiriwang ng pista ito ay nakakadulot ng lakas at nakakapagpatibay ng kanilang panatang paghusayain at pagbutihin ang kanilang trabaho. Ang anim na malalaking tribo mula sa Timog Coatabato na lumalahok dito ay ang T'boli, Ubo, Manobo, Kalagan, Maguindanao, at Tasaday. Kasama rin dito ang iba't-ibang tribo sa Lungsod Davao tulad ng Tirurays at Mandaya pati na rin ang mga tribo sa Lungsod Surigao tulad ng Langilan, Bilaan, Bagog, at Mansaka.

Aktibidad

Ang mga pantribong rituwal sa pistang ito ay nag-uumpisa tuwing madaling araw sabay sa indayog ng katutubong musika, masayang tiyempo ng gong at makukulay na kaugalian. Matutunghayan din ang mga tradiyonal na sayaw ng mga katutubo pati na rin ang mga masasayang mga palaro. Nagwawakas ang pistang ito sa nakakaaliw na paglalaban ng mga kabayo.

Sanggunian

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.