Pista ng Kalabaw

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Pista ng Kalabaw

Ang Pista ng Kalabaw ay ipinagdiriwang tuwing 15-16 ng Mayo, kasabay sa araw ng paggunita ng kapistahan ni San Isidro Labrador, ang patron ng mga magsasaka. Binibigyan dito ng parangal ang halaga ng kalabaw, ang pambansang hayop na Pilipinas at ang mga nagagawa nitong malaking tulong sa sakahan ng Angono, Rizal; San Isidro, Nueva Ecija at sa Pulilan, Bulacan.

Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan

Ayon sa talaan ng kasaysayan, si San Isidro ay isang manggagawang (laborer) nagtatrabaho bilang magsasaka. Ang kaniyang amo ay nagtaka kung bakit si Isidro ay madaling nakakatapos ng kaniyang gawain sa kabila ng kaniyang tanghaling pagpasok. Sa kaniyang pagusisa, nabigla na lamang siya nang makita niyang ang nag-aararo ng bukid ay isang anghel. Napaluhod siya sa harap ni San Isidro at mula noon ay iniugnay na ang imahe ng isang taong nakaluhod kay San Isidro.

Mula noon , ang pista ng San Isidro ay bumalangkas bilang Pista ng Kalabaw dahil ang kalabaw ay mahalagang hayop na katuwang sa pag-aararo ng kabukiran at nakakatulong sa pagtamo nang magandang ani.

[baguhin] Gawain

Pagluhod ng kalabaw sa harap ng simbahan

Ipinagdiriwang ang pistang ito ang taos-pusong pagpapsalamat ng mga mamamayan sa buong taon ng masaganang ani sa kanilang munisipalidad. Ang mga kasiyahan tulad ng pagsayaw sa kalsada; prusisyon ng mahigit na dalawampung pinalamutiang kalabaw; iba't-ibang prutas, gulay, bulaklak, mga kendy at iba pang mga talbos na naka sabit sa kawayan ay ilan lamang sa mga nagaganap at napapanood sa dalawang araw na selebrasyon ng pista ng kalabaw. Ang mga kariton na kung saan ang kalabaw ang humihila ay nagsisilbi bilang karosa.

Sa unang araw, ang mga magsasaka ay nagbibigay pugay sa mga kalabaw sa pamamagitan ng paglinis at pagpapakintab ng kanilang balahibo at sungay. Nilalagyan din nila ng adorono ang kanilang alagang kalabaw tulad ng mga iba't-ibang kulay na laso o di naman ay pipinturahan ang kanilang katawan at kariton. Pagdating ng hapon, ginagabay ng mga may alaga ng kalabaw ang kanilang alaga para sa isang prusisyon patungo sa simbahan. Pagdating sa harap ng simbahan, ang mga kalabaw ay luluhod upang tumanggap ng bendisyon ng pari. Ang mga kalabaw na ito ay tinuruan at sinanay lumuhod ilang linggo bago ang okasyon.

Sa ikalawang araw, ang mga kalabaw naman ay isasali sa karera. May mga premyong naghihintay sa mga may-ari ng pinakamagandang palamuti sa kalabaw at kariton.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.