Pista ng Itim na Nazareno

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Itim na Nazareno.jpg

Tuwing ika-9 ng Enero, ipinagdiriwang ng mga deboto ang Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila. Dinudumog ng mga tao ang santong patron ng Quiapo, ang Nuestro Padre Nazareno, na dinala noong siglo 1800 ng Ordeng Recoletos at itinampok sa simbahang nakaharap sa tanyag na Plaza Miranda.

Ang estatwa ng Itim na Nazareno ay isang imahe ni Kristo na kasing-laki ng tao, may maitim ang balat at nililok ng isang Aztec na karpintero at binili ng isang paring taga-Mexico noong panahon ng Galleon Trade.

Ang mga deboto ng Itim na Nazareno ay nagsisimba tuwing Biyernes at tuwing Enero 9, ipinagdiriwang ang kapistahan ng santong patron, kung saan itinuturing ito bilang isa sa pinakamalaki at tanyag na kapistahan sa Pilipinas.

Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan

Pista ng nazareno2.jpg

Ang estatwa ng Itim na Nazareno ay dinala sa Maynila ng mga pari mula sa Augustinian Recollect noong Mayo 31, 1606. Ang imahe nito ay inilagak sa unang simbahan ng Recollect sa Bagumbayan (na ngayon ay parte na ng Rizal Park), at pinasiyahan noong Setyembre 10, 1606.

Noong 1608, ang pangalawang pinakamalaking simbahang Recollect na inihandog kay San Nicolas de Tolentino (Saint Nicholas of Tolentine) na natapos sa loob ng Intramuros (kung saan nakalagak ngayon ang gusali ng Manila Bulletin) at ang imahe ng Nuestro Padre Jesús Nazareno ay inilipat dito. Ang mga pari ng Recollect ay patuloy na isinulong ang debosyon sa Paghihirap ni Hesus sa pamamagitan ng nasabing imahe. Makalipas ang labinlimang taon, nabuo ang Cofradia de Jesús Nazareno at itinatag noong Abril 21, 1621. Nakatanggap ito ng Papal approval noong Abril 20, 1650 mula kay Pope Innocent X.

Noong 1787, si Basilio Sanco Junta y Rufina, ang Arsobispo ng Maynila ay nagutos na ilipat ang imahe sa Quiapo, sa ilalim ng pagtaguyod kay Saint John the Baptist.

Ang imahe ng Nazareno ay naisalba sa iba't-ibang kalamidad at digmaan tulag noong nasunog ang simbahan sa Quiapo noong taong 1791 at 1929 gayun din ang lindol noong 1645 at 1863 at ang pambomba sa Maynila noong 1945 noong panahon ng Ikalawang Pandaigdigang Digmaan.

Noong 1998, isang replika ng orihinal na imahe ng Itim na Nazareno ang ipinarada dahil sa pinsalang nakamit ng orihinal na imahe at mula noon, ginamit na ito sa mga prusisyon habang ang orihinal na imahe ay nanatiling nakalagak sa loob ng simbahan. Ang iba pang maliit na replika ng imahe ay matatagpuan sa loob ng simbahan.

[baguhin] Debosyon

Ang debosyon sa Nuestro Padre Jesús Nazareno ay nakahatak ng milyun-milyong mga deboto kung saan nagmula ang katanyagan sa timog at hilagang bahagi ng Luzon at unti-unting lumaganap sa buong bansa.

Ang katangi-tanging debosyon na ito ng mga Filipino sa Itim na Nazareno ay nakapagbigay ng karagdagang papuri mula sa dalawang papa: sina Innocent X noong 1960, sa pagkakatatag ng Cofradia de Jesús Nazareno at Pius VII noong 19th century, sa pamamagitan ng pagbibigay ng indulhensya sa mga nagdadasal sa imahe ng Itim na Nazareno.

Sa kasalukuyan, ang debosyon sa Itim na Nazareno ay patuloy na nagbibigay ng sigla at kapayapaan sa mga deboto sa kabila ng mga sakit, galos, sugat at kung minsan ay kamatayan na nagaganap tuwing prusisyon, at tila 'di inaalintana ng mga deboto.

Mahigit 200 taon nang ipinagdiriwang ang kapistahan ng Mahal na Poong Nazareno at ang estatwa nito ay inilalagay sa isang karwahe tuwing Enero, gamit ang makapal na lubid at ipinaparada sa mga kalye ng Quiapo ng mga debotong lalaki na nakasuot ng kulay maroon. Ang mga Katoliko na nagmula sa buong ka-Maynilaan ay sama-samang dumadayo sa Quiapo upang makakuha ng pagkakataong mahawakan ang imahe o di kaya ay magkamit ng isang milagro. Naghahagis din sila ng tuwalya sa mga lalaking nakabantay sa estatwa ang hinihiling na ipunas ang kanilang tuwalya sa estatwa sa pag-asang madala nila ang milagro sa kanilang pag-uwi.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.