Pinoy Horror Television Shows...Noon at Ngayon

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Nginiiig1.jpg


Ang mga Pilipino ay likas na mahilig manood ng mga nakakatakot at kahindik-hindik na mga palabas. Ito marahil ang dahilan kung bakit marami sa ating mga prodyuser ang gumagawa ng mga serye sa telebisyon na tunay na nakakapanindig-balahibo at nakakasindak na mga serye sa telebisyon. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga pinakanakakatakot na serye na tumatak sa isipan ng mga Pilipinong manonood noon at ngayon.


Glass numbers 1.jpg Nginiiig!

Ang Nginiiig! ay isang top-rated reality horror series ng ABS-CBN noong 2003 na ipinapalabas tuwing Sabado ng hapon. Host dito si Raymond Bagatsing kung saan itinatampok dito ang mga istorya ng kababalagahan at hindi maipaliwanag na mga pangyayari mula sa mga totoong kaganapan na naging punong balita. Sa seryeng ito, isa si Bagtasing sa mga spirit questors na sasaliksik sa mga hindi matahimik na kaluluwa, tutulong sa kanila upang tupdin ang hindi natapos na misyon dito sa lupa at magkaroon ng kalutasan ang krimeng nagdulot ng kanilang kamatayan.


Glass numbers 2.jpg Pinoy Thriller

Ang Pinoy Thriller ay ipinalabas noong dekada '80 sa IBC-13. Tampok dito ang mga kuwento tungkol sa mga aswang, mangkukulam, kapre, at iba pang mga kahindik-hindik na halimaw. Marami ang nangilabot sa makatotohanang mga kuwento dahil marahil na rin sa husay ng pagkakasulat at pagsasadula ng mga serye. Naging sikat din ang nakapanghihilakbot na musika na ginamit bilang soundtrack ng horror show na ito.

Ano ang nasa dako pa roon?
Bunga ng malikot na pag-iisip, likha ng balintataw
O halaw sa isang daigdig ng kababalaghan
Di kayang maipaliwanag ngunit alam mong magaganap


Glass numbers 3.jpg Okatokat!

Ang Okatokat ay ipinalabas noong 1997 at natapos noong 2002 sa ABS-CBN. Tinaguriang pinaka-unang horror series, marami ang sumabaybay dito at natuwa marahil ay dahil may halo itong konting katatawanan. Itinatampok dito ang mga artistang sina Agot Isidro, Ricky Davao, Rica Peralejo, Jericho Rosales, Diether Ocampo at Angelika dela Cruz.


Glass numbers 4.jpg Patayin Sa Sindak Si Barbara (TV series)

Ang Patayin Sa Sindak Si Barbara ay isang "sineserye" mula sa ABS-CBN na ipinalabas noong Enero 2008. Ito ang unang yugto ng Sineserye Presents: The Susan Roces Cinema Collection. Ang istorya nito ay inayon sa klasikong pelikula na may parehong pamagat kung saan pinagbidahan ito ni Susan Roces noong 1974 at ni Lorna Tolentino noong 1995. Ang sinseryeng ito ay pagbibidahan naman ni Kris Aquino kung saan umiikot ang istorya sa mapaghiganting espiritu ng yumaong asawa (Jodi Sta. Maria), at ginamit niya ang manika ng anak upang magpalaganap ng takot at sindak sa buong kasambahay lalo na kay Barbara (Kris Aquino).


Glass numbers 5.jpg Maligno (TV series)

Ang Maligno ay ang ikalawang yugto ng Sineserye Presents: The Susan Roces Cinema Collection na ipinalabas noong Abril ng kasalukuyang taon mula sa ABS-CBN. Ang horror TV series na ito ay pinagbibidahan nina Claudine Barretto, Diether Ocampo at Rafael Rosell. Ito ay ayon muli sa dating pelikulang pinagbibidahan ni Susan Roces na may parehong pamagat. Ang istorya ay tungkol sa isang kaluluwang ipinangako na sa isang demonyo, at nasa kamay ni Angela (Barretto) ang susi kung paano niya mapipigilan at tuluyang mapasakamay ang anak niya sa demonyo--sandigan ang lubos na pananampalataya at pagmamahal.


Glass numbers 6.jpg Wag Kukurap

Ang Wag Kukurap ay isang horror-thriller na serye sa telebisyon mula sa GMA-7 na isinahimpapawid noong 2004, kung saan ang host ay si Dingdong Dantes. Ang tema ng palabas na ito ay base sa mga tunay na istorya ng kababalaghan mula sa tunay na buhay.


Glass numbers 7.jpg Spirits

Ang Spirits ay isang sikat na serye ng katatakutan na mula sa ABS-CBN na ipinalabas noong taong 2005. Tampok dito ang walong kabataan na sina Red (Rayver Cruz), Gabby (Maja Salvador), Lloyd (John Wayne Sace), Liz (Serena Dalrymple), Nato (Jiro Manio), Thor (Mico Aytona), Jesse (Joseph Bitangcol), and Maya (Michelle Madrigal). Naging bantog din ang soundtrack ng serye na "You'll be Safe Here" na kinanta ng bandang Rivermaya. Natuklasan ng walong kabataan na ito na may taglay pala silang kakaibang kapangyarihan, kung saan ipinakita din ang kamalayan na ang mundo ay binubuo ng tatlong klase ng grupo: mga mortal, imortal, at mga elemento.


Glass numbers 8.jpg E.S.P.(TV series)

Ang E.S.P.(Extraordinary Suspense Program) na serye sa telebisyon ay ipinalabas noong Pebrero 7 at natapos noong Mayo 8, 2008 at isinahimpapawid ng GMA-7. Ang mga pangunahing aktor na gumanap sa horror drama series na ito ay sina Iza Calzado at Alfred Vargas. Ito ay tungkol sa isang ipokrita, makasarili at ambisyosang beauty queen na naging investigative journalist. Nasanagkot siya sa pagkakapaslang ng kaniyang boss at nasundan muli ng hindi magandanag kaganapan ng makasama siya sa isang car accident. Nang siya ay nagising, nawala na ang kaniyang memorya at dito na siya nag-umpisang makakita at makarinig ng mga ligaw na kaluluwa.


Glass numbers 9.jpg Philippine Scariest Challenge

Ang Philippine Scariest Challenge ay isang reality based horror/suspense na programang pang telebisyon sa TV5, kung saan host sina Jomari Yllana at Cheska Litton. Itatampok dito ang mga kuwento tungkol sa mga hindi karaniwan at hindi maipaliwanag na sitwasyon tulad ng mga kakaibang pangyayari. Tinipon dito ang iba't-ibang mga artista upang lumahok sa isang challenge at pumasok sa isang gawaing mapanganib tulad ng mga lugar na kilala sa paranormal activities tulad ng isang military hospital sa Pampanga, isang mistikal na kuweba sa Antipolo, isang abandonadong villa sa Rizal, abandonadong mansyon sa Bulacan, North Cemetery at isang pinagmumultuhang monasteryo sa Batangas. Ito ay ipinalabas noong Agosto 22 at kasalukuyang ipinalalabas tuwing Biyernes, ala-sais ng gabi.


Glass numbers 1.jpgGlass numbers 0.jpg Florinda (TV series)

Ang Florinda ay isang inaasahang horror-suspense na mini-series sa telebisyon na pinagbibidahan ni Maricel Soraino. Ito ay ang pangatlong yugto ng Sineserye Presents: The Susan Roces Cinema Collection ng ABS-CBN. Tampok din ang ibang artista tulad nila Roxanne Guinoo bilang Rachelle, Jay Manalo, Zanjoe Marudo, Cherry Pie Picache bilang Criselda, William Martinez at Nikki Gil bilang Mara.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.