Pilgrimahe sa Antipolo

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Antipolo pilgrimage.jpg

Libo-libong mga deboto ang dumaragsa sa Antipolo upang makiisa sa taunang Pilgrimahe patungo sa Birhen ng Antipolo. Pinaniniwalaang ang Birhen ng Antipolo ay may 300 daang taon na at mayroong kapangyarihang maaaring makapanggamot o makapagbigay ng katuparan ng mga pinakaaasam-asam na bagay.

Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan

Pinaniniwalaang ang Birhen ng Antipolo ay nagmula sa Mexico. Noong ika-25 ng Marso taong 1626, ang galeon ng El Almirante ang nagdala ng Birhen patungo sa Pilipinas. Sa loob ng tatlong buwan ay sinuong ng galeon ang mapanganib na byahe dulot ng bagyo at iba pang kalamidad tulad ng sunog hanggang sa marating nga nito ang Pilipinas noong ika-18 ng Hulyo taong 1626. Sa kadahilanang nalampasan ng galeon ang lahat ng kalamidad na pinagdaanan nito ay pinaniniwalaan ni Gobernador Tabora na ito ay dahil sa presensiya ng Birhen.

Ng mamatay si Gobernador Tabora noong taong 1632, ang Birhen ay napunta sa pangangalaga ng mga paring Jesuita. Ang Birhen ay ilalagak sana sa itinatayo pa noong simbahan malapit sa baryo ng Sta. Cruz. Sa ilang beses na tinangka upang ilipat ang imahen ay lagi na lamang itong natatagpuan sa ilalim ng puno ng Tipolo kung kaya't dito na ito tinayuan ng pedestal.

Noong panahon ng mga Hapon, pansamantalang dinala ang imahen patungong Angono. Limandaang katao ang nagdala nito na ligtas namang nakarating sa dapat nilang paroroonan. Pansamatala rin itong inilagak sa Quiapo hanggang ika-15 ng Oktubre taong 1945, ang panahon kung kailan permanente na itong inilagak sa simbahan ng Antipolo. Taon-taon ay ipinagdiriwang ng mga deboto ang pangyayaring ito sa pamamagitan ng paglahok sa pilgrimahe ng pagdadala sa birhen mula sa Quiapo, Maynila patungong Antipolo.

[baguhin] Debosyon

Nilalahukan ng libo-libong mga deboto ang pilgrimahe, na isang mahabang paglalakbay, upang tunguhin ang sagradong Birhen ng Antipolo.

Ang pagdiriwang ay isinasagawa tuwing ika-1 ng Mayo, o ang gabi ng ika-30 ng Abril. Ang pagdiriwang ay nagsisimula ng ika-8 ng gabi ng ika-30 ng Abril hanggang umaga ng ika-1 ng Mayo.

[baguhin] Mga Larawan


[baguhin] Sanggunian


[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.