Piko

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Ang Piko (galing sa www.pali-x-mano.com

Ang Piko ay isang popolar na larong pambata sa Pilipinas. Karaniwan itong nilalaro ng mga batang babae at minsan naman mga batang lalake. Nilalaro lamang ito ng mga batang lalake pagnasa murang edad pa sila, pagdating nila ng walo nahihiya na silang sumali.

Mga nilalaman

Kasaysayan

Ang piko o tinatawag na "hopscotch" sa Ingles ay nagmula pa sa panahon ng Imperyo ng mga Romano. Ginagamit ito bilang pagsasanay ng mga tao sa loob ng militarya. Sa panahong iyon, ang mga sundalo ay tatalon ng 100 na talampakan na parang at suot-suot ang kanilang mga kagamitan. Naniniwala sila noon na ang ganitong pagsasanay ay nakakapag-paganda ng katawan, lakas at resistensiya sa mga paa ng mga sundalo.

Ang mga batang romano ay inilabas ang ganitong ehersisyo o pagsasanay sa labas ng kampo at ginawan nila ito ng bagong takdaan ng mga puntos.

Naging popolar ang larong ito maging sa ibang bansa. Sa Pransya, tinawag nila itong "Marelles," sa Alemanya naman "Templehupfen," at sa marami pang bansa. Dito sa Pilipinas tinatawag itong Piko.

Panimula

Nilalaro ang piko sa labas karaniwan sa mga daan. Kailangan ng mga manlalaro na pumili ng pamato - ito ay isang bagay na ginagamit bilang pananda kung nasaan ang manlalaro ito ay maaring maging isang piraso ng bato o isang piraso ng basag na pinggan.

Sa hugis ay dapat mayroong mga guhit na naghihiwalay sa iba ito ay maaring mga hugis kahon o parisukat. Ang mga parisukat na ito ay lalagyan ng mga numero para malaman kung alin sa mga ito ang pagkasunod-sunod na siyang tatalunan ng mga manlalaro.

Kailangan gumuhit ang mga manlalaro ng isang geometrikong hugis sa daan gamit ang chalk o uling, pwede din ang puting bato.

Mamimili ang mga manlalaro ng mauuna. Iba iba ang paraan ng pamimili nariyan ang maiba-taya at ang jack en poy.

Mga Panuntunan

  • Ang manlalaro ay kailang maghagis ng kanilang mga pamato sa loob na guhit. Kailangan di ito nasa guhit o sa labas ng guhit.
  • Ang manlalaro ay di dapat nakakaapak sa mga guhit.
  • Hindi siya maaring tumigil habang siya ay kumakandirit.
  • Hindi siya maaring magiba ng paang ginamit habang kumakandirit.


Layunin

Kailangan magkakandirit ang mga manlalaro papunta at pabalik sa loob ng geometrikong hugis.

Ang paunang hakbang (galing sa www.ntu.edu.sg

Paglalaro

Ang unang manlalaro ay ihahagis ang kanyang pamato sa numero uno. Kailangan niyang magkandirit sa numero 2 papuntang sa pinakamataas na numero at pabalik. Pagkatapos sa kanyang pagbalik ay kukunin niya ang kanyang pamato.

Ihahagis niya naman ngayon ang pamato sa bilang 2 at tatalon sa numero 1 lalaktaw sa numero 2 at pataas at pabalik na naman at kukunin ang pamato.

Paulit-ulit lang hanggang sa makarating siya sa pinakamataas na numero.

Sanggunian

Lopez, Mellie L., A Study of Philippine Games, Second Edition, University of the Philippine Press, U.P. Diliman Quezon City, 2001
Hopscotch 101
Growing UP

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.