Pia Cayetano
Mula Wikifilipino
Kung nais ninyong mabása ang tekstong nakasulat sa Ingles, pindutin ang Pia Cayetano.
Si Pilar Juliana "Pia" Cayetano (ipinanganak noong 22 Marso 1966) ay isang abugado, negosyante, tri-athlete, maybahay at ina at senador ng Pilipinas.
Nilalaman |
Buhay at Edukasyon
Ipinanganak si Cayetano sa Michigan, Estados Unidos. Galing siya sa isang tanyag at mayamang pamilya. Siya ang nag-iisang anak na babae ng dating senador Rene "Compañero" Cayetano at ng asawa nitong si Sandra Schramm. Si Cayetano ay may tatlong kapatid: sina Alan Peter, Rene Carl, at Lino Edgardo. Kasal siya kay Atty. Arriben Sebastian at may dalawa silang anak na babae: sina Maxine at Nadine.
Si Pia ay nagtapos na cum laude sa kursong economics sa School of Economics ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) noong 1985. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral at siya'y kumuha ng abogasya sa UP College of Law at nagtapos na may parangal. Naging miyembro siya ng Order of the Purple Feather, ang honor society ng UP Law.
Karera
Propesyonal
Nagtrabaho si Pia bilang Associate Lawyer ng Castillo, Laman Tan, at Pantaleon Law Offices kung saan pinagtuunan niya ang Corporate Law at Intellectual Property Law. Siya'y naging opisyal ng Legal at Corporate Affairs ng Belle Corporation at mga kaanib nito mula 1996 hanggang 1999. Naging general counsel siya ng Philweb Corporation sa taong 2000 at siya ang nangulo ng Maxi Group of Companies, isang tingiang tagabenta ng mga laruang pang-edukasyon, at iba pang mga kagamitang pambata.
Pulitikal
Matapos mamatay ang kanyang ama dahil sa kanser sa tiyan, ipinagpatuloy niya ang sinimulan nito. Tumakbo siya at naihalal bilang senador noong 2004 sa edad na 38. Sa kasaysayan ng mga naihalal bilang senador, si Pia ang pinakabatang babaeng nailuklok sa pwesto.
Ilan sa mga batas na kanyang naipasa ay ang Universally Accessible Cheaper and Quality Medicines Law of 2008 (Republic Act 9502), Oil Spill Liability Law (RA 9483), Biofuels Law (RA 9367), Hospital Detention Law (RA 9349), National Anti-Rabies Law (RA 9482), at ang Environmental Awareness and Education Act of 2008 (RA 9512).
Kamakailan lamang ay nagdala si Pia ng karangalan sa bansa nang maihalal siyang pangulo ng Coordinating Committee of Women Parliamentarians ng Inter-Parliamentary Union (IPU). Ito ay ang pinakamataas na posisyon na nakamit ng isang Pilipino sa 119-taon ng IPU, na itinuturing na "United Nations" ng mga parliamentarians sa buong mundo.
Noong 15 Agosto 2009 nagsumite si Cayetano ng kanyang kandidatura pagkasenador sa ilalim ng Partido Nacionalista. Bago nito, naging usap-usapan noon na siya ay tatakbong bise presidente ni Manny Villar.
Apilasyon
- Integrated Bar of the Philippines - miyembro
- Gabriel Symphony Foundation Inc. - tagapagtatag
- National Volleyball Team - miyembro
- Young Entrepreneurs' Organization - miyembro
- Delta Lambda Sigma Sorority - dating grand archon
- Compañero Rene Cayetano Foundation - tagapagtatag
- Philippine Cancer Society - tagapagsalita
- Universal Birth Registration Project - tagapagsalita
- Usapang de Kampanilla, DZMM 630khz - co-host
- Ang mga Payo ni Compañero, DZMM - co-host
- Compañero y Compañera, People's Tonight - tagapagsulat
- Baby Magazine and Good Housekeeping - tagapagsulat
- Compañero y Compañera - Radio host
- Publisher of Booklets and Newsletters for mothers
- Philippine National Duathlon Team - miyembro
- Samahan Laban sa Pekeng Gamot - tagapagsalita
- Pinay in Action - tagapagtatag
Parangal at Papuri
- Finisher, ITU World Duathlon 2005
- 2004 Series Champion, Ladies Division, Clark Duathlon
- 2002 Finisher, San Francisco Marathon
- Youngest Member, Philippine National Volleyball Team (17 taong gulang)
- Youngest Member at Captain Ball, UP Varsity Volleyball Team (18 taong gulang)
- Runner, Cyclist, Tri-athlete at Sports enthusiast
Mga Ipinaglalaban
Si Cayetano ang nakapagtayo ng Gabriel Symphony Foundation Inc. na tumutulong sa mga operasyon ng mga maliliit na bata na may depekto sa baba (cleft lips) at mga proyekto para sa mga espesyal na bata at edukasyon para sa mahihirap. Itinayo din ni Pia ang Rene Cayetano Foundation na nagbibigay suporta sa mga taong nangangailangan ng tulong o gabay medikal, edukasyon, at sumusulong sa mga isyu ng kalikasan. Pinapangarap ni Cayetano na magkaroon at makapagtayo ng Liver Center sa Pilipinas. Si Pia ang tagapagsalita ng Philippine Cancer Society at ng Universal Birth Registration Project. Kasapi din siya sa Young Entrepreneur's Organization.
Panlabas na Kawing
Mga Sanggunian
- Pia Cayetano sa I-site (Hinango noong 14 Mayo 2009)
- Tungkol kay Compañera Pia(Hinango noong 14 Mayo 2009)
- Pia Cayetano (Hinango noong 24 Hunyo 2009)
- Resume of Senator Pia Cayetano (Hinango noong 24 Hunyo 2009)
- The Daughter Also Rises (Hinango noong 24 Hunyo 2009)
- NP Announces 8 possible senatoriables Balita.ph (Hinango noong 24 Hunyo 2009)
- Pia Cayetano interviewed by ANC after filing COC Youtube.com (Hinango noong 24 Hunyo 2009)
Pagkilala
| Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi. |










