Peñafrancia Festival

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

thumb|right|250px|Parada ng Peñafrancia

Nagsisimula ang pagdiriwang ng Peñafrancia Festival tuwing ikatlong Sabado ng Setyembre sa lalawigan ng Naga, Bikol. Ang festival ay ang pinakamalaking pista ng Marian sa buong bansa. Tinagurian din itong isa sa mga nangungunang festival ng pinagsamang relihiyon, kultura at tradisyon sa siyam na araw na pagdiriwang. Kasama sa selebrasyong ito ang mga parada, iba't ibang isports, trade fairs at pagtatanghal, karera ng mga bangka, tanghalang pangkultura, timpalak pangkagandahan, at iba pang mga nakakasiglang kumpetisyon.

Mga nilalaman

[baguhin] Pagdiriwang

Sinisimulan ang araw ng kapistahan ng isang novena o siyam na araw na pagdarasal bilang pagpupuri sa Birhen. Sa unang araw ng pagdiriwang, ang imahe ng birhen na dibuho ng Madonna sa Peñafrancia, Espanya ay dinadala mula sa kanyang dambana papuntang Naga Metropolitan Cathedral kung saan gaganapin ang novena. Sa huling araw, ibinabalik ang imahe sa kanyang altar matapos ang ruta sa ilog Naga. Nagkakaroon ng parada sa ilog ng mga bangkang binalutan ng mga disenyo at ang pagoda ang magdadala ng imahe pabalik sa kanyang dambana. Kasabay ng pagoda ay ang mga bangka, iba pang pagoda at pinalamutiang bangkang de-motor. Pagdilim ng langit, sabay-sabay na sinisindihan ang mga kandilang kanilang tangan na siyang nagbibigay ng kinang na wari bang mga hiyas sa kadiliman. Pagdaong ng mga bangka sa kanilang patutunguhan, isinisigaw ng mga deboto ang “Viva La Virgen” at pagkatapos ay ipuprusisyon na ang imahe pabalik sa simbahan.

Itinatampok din sa festival na ito ang Ibalong Festival ng Legaspi City, Tabak Festival ng Tabaco City, Tinagba Festival ng Iriga City, Lapay Bantigue Festival ng Masbate City, the Catandungan Festival ng Catanduanes, Pili Festival ng Sorsogon, at ang Pineapple Festival ng Camarines Norte. Ang lahat ng mga kasayahang ito ang nagbubuklod sa mga deboto na karaniwang tumutungo sa Bicol tuwing Setyembre.

[baguhin] Kasaysayan

Ayon sa kwento ng mga residente sa Cavite, nagkasakit ang anak na babae ng isang espanyol mula sa Peñafancia, Espanya noong 1712. Nawalan sila ng pag-asa kung kaya nagdasal ang pamilya sa imahe ng kilalang Madonna ng Peñafrancia, na pagmamay-ari ng pamilya. Nang gumaling ang kanyang anak, nangako ang ama na magtatayo siya ng kapilya bilang pasasalamat sa Our Lady of Peñafrancia ng Maynila. Ngunit dahil siya ay nakulong sa Nueva Caceras, itinayo niya ang kapilya sa siyudad na iyon, na ngayon ay kilala sa tawag na Naga. Ang Birhen ay sentro ng usap-usapan na siyang dahilan ng maraming milagrong nagaganap. Nagpapagaling ito ng mga maysakit at nagbibigay-aliw sa mga nanlulumo. Ang pinaka-kakaibang milagrong nagawa Niya ay ang pagbabalik ng buhay ng isang asong inialay upang gamitin ang dugo upang paitimin ang tinta ng imahe ng birhen. Ang patay na aso, na may apat na paang nakatali, ay itinapon sa ilog matapos makuha ang dugo nito para sa Birhen. Nagtaka ang mga tao nang lumangoy ang aso pabalik sa tabing-ilog at tumakbo papunta sa bahay ng kanyang amo. Nasaksihan ang pangyayaring ito nina Don Miguel de Cobarrubias, isang Dominikanong misyonaryo, at iba pang mga mamamayan ng Bicol.

[baguhin] Panlabas na Kawing

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.