Patintero

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Patintero from www.ncaa.gov.ph

Ang Pantintero ay isa sa popular na larong pambata sa Pilipinas, na kalimitang nilalaro sa kalye. Kilala din ito sa tawag ng Tubigan o Harangang Taga.

Mga nilalaman

Mga Kailangan

Sa larong ito, kailangan markahan ang daan kaya naman kinakailangan ang mga gamit sa pagmarka, tulad ng stick, chalk, o uling.

Anim o walong manlalaro ang pinakamainam na numero.

Patintero from www.seasite.niu.edu

Lugar

Karaniwang nilalaro ito sa labas sa kahit anong oras. Mas popular ito na nilalaro sa gabi, lalo na sa ilalim ng liwanag ng buwan. Minamarkahan ang daan ng chalk. Guguhit ng parihaba na may sukat na lima at anim na metro. Guguhit din ng mga linya sa loob ng pariha, hinahati ito ng paparisukat.

Pagsisimula

Bago magsimula ay kailangan ng mga manlalaro na magtalaga ng mga papel. Kailangan ng dawalang pinuno sa bawat grupo. Kadalasan ang mga pinipiling pinuno ng grupo ay ang mga pinakmatatanda. Pagkatapos makapili, kailangan ng mga lider na pumili ng miyembro.

Pagpili ng Mauuna

Pagkatapos, kailangan ng mga manlalaro 1na magdesisyon kung sino ang mauunang grupo. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagpuno ng tubig sa bibig ng bawat pinuno. Ang dalawang pinuno ay magpagalingan sa pagdura ng tubig. Ang may pinakamalayong maabot ng dura ay siyang mauuna.


  • Ibang Metodolihya


Tao o Ibon (heads or tail) - ang mga pinuno ay kukuha ng isang piraso ng barya. Mamimili ang bawat pinuno kung "tao" o "ibon." Ang "tao" ay ang isang bahagi ng barya na mayroong tao, ang "ibon" naman ay ang bahaging may hayop na nakamarka. Ihahagis nila ang barya at kung anong bahagi ang nakaharap ang siyang mauuna.

Tiyaha or taob (right side or bottoms up) - ang mga pinuno ay kukuha ng isang piraso ng tsinelas. Mamimili ang bawat pinuno kung "tiyaha" o "taob." Ang "tiyaha" ay isang posisyon na kung saan ang bahagi ng tsinelas na pinagsusuotan ng paa ay patihayang nakaharap samantalang ang "taob" ay nakataob ang bahaging iyon. Iahahagis ng isa sa mga pinuno ang tsinelas at kung anong posisyon ang lumabas ang siyang mauuna.

Posisyon

Ang grupo na talo sa pilian ay pupuwsto sa mga linya ng parihaba. Ang lider na tatayo sa unang linya ay tinatawag na "patoto." Siya ang mas makapangyarihan kaysa sa ibang mga miyembro. Siya lamang ang pwedeng makatahak sa gitnang linya. Siya ang guwardiya sa unang linya at siya ang taga sagip ng mga ibang miyembro sa ibang linya.

Layunin

Ang layunin ng maglalaro ng grupo ay makalampas sa bawat linya. Ang layunin naman ng nakaharang nagrupo ay hindi palusutin at huliin ang miyembro ng kabilang grupo.

Katulad na Artikulo

Filipino Games
Patintero Simulation

Sanggunian

Lopez, Mellie L., A Study of Philippine Games, Second Edition, University of the Philippine Press, U.P. Diliman Quezon City, 2001


Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.