Paskong Pinoy

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Paskong Pinoy

Ang Paskong Pinoy ay itinuturing na may pinakamahabang pagdiriwang ng Pasko na kadalasang nag-uumpisa sa mga buwan ng "-ber" [September, October, November, December]. Idinaraos ng mga Pilipino ang Kapaskuhan ng buong kasaganahan at punung-puno ng mayayamang tradisyon at kaugaliang katangi-tanging Pinoy.

Dahil ang Pilipinas lamang ang namumukod-tanging bansa sa Asya na may pinakamaraming bilang ng Kristiyano, ginugunita ng mga Pilipino ang kapanganakan ni Hesuskristo, ang Bugtong na Anak ng Diyos tuwing ika-25 ng Disyembre.

Ang pagdiwang ng Pasko sa Pilipinas ay pormal na nag-sisimula tuwing ika-16 ng Disyembre, ang unang araw sa siyam na araw ng Simbang Gabi. Ang selebrasyoon ay magtutuloy-tuloy hanggang sa unang Linggo ng Enero, ang Kapistahan ng Tatlong Hari, ang opisyal na pagtatapos ng Kapaskuhan.

Mga nilalaman

[baguhin] Kasaysayan

Ang salitang Pasko ay nag-ugat sa salitang Kastila na Pascua de Natividad na may kahulugan na "Easter of the Nativity." Ngunit ang salitang pascua ay iniuugnay sa terminong "solemnity" o "celebration" para sa mga Kastila at sa iba't-ibang religious feasts. Mula pa noong 14th century, naitala na sa kasaysayan na bago pa man dumating at natuklasan ni Ferdinand Magellan at ang kaniyang mga kasamahan ang Pilipinas noong 1521, isang Pransiskanong prayle na nagngangalang Odoric de Perdenon ang nakatuntong sa baybayin ng Pangasinan (na may tawag dating "Thalma-sin"). Sa kanilang pagdating, ipinagdiwang ang kauna-unahang Pakso ng Pilipinas kung saan si de Perdenon ang nagdaos ng Natale mass kasama ang ibang katutubo noong ika-25 ng Disyembre. Ang opisyal na pagdiriwang ng Feast of the Nativity ay naidaos lamang noong 1565, sa ilalim ng pamumuno ni Miguel Lopez de Legaspi.

Ngunit bago pa man dumating ang mga Kastilang mananakop, ang ibang mga katutubo ay nagsasagawa na ng mga rituwal ng pasasalamat tuwing madaling araw bago magtrabaho sa kabukiran. Ipinapamalas lamang nito ang pinag-ugatan ng tradisyon ng mga Pilipino tuwing Pasko.

[baguhin] Impluwensya ng ibang Bansa

Ang pagdiwang ng Kapaskuhan sa Pilipinas ay nagpapakita ng iba't-ibang kaugalian at tradisyon ng mga Pilipino. Ang mga kaugaliang ito ay nahaluan ng samu't-saring kagawian at Christian beliefs ng iba't-ibang lahi. Ang Paskong Pinoy ay tanda ng mayabong na impluwensya ng tradisyon ng mga Kastila tulad ng Belen, Misa de Gallo at Parol.

Ang pagsasanib ng iba't-ibang kultura sa paglipas ng panahon ay nagpapalaganap ng sari-saring tradisyon tulad ng pagbubusa ng kastanyas at white Christmas na nagmula sa mga Amerikano at mga taga-Europa. Sila din ang nagpakilala sa Christmas cards, mga awiting Pamasko at si Saint Nicholas o Santa Claus. Maliban dito, naisulong din nila ang prinsipyo ng Christmas tree na hanggang sa kasalukuyan ay makikita sa loob ng tahanan ng mga Pilipino tuwing Pasko.

Ang iba pang makabuluhang kagawian na sinusunod tuwing Kapaskuhan ay ang impluwenya ng mga bansa sa Asya tulad ng Tsina, bansang Hapon, Malaysia, Indonesia at India. Ilan dito ay ang pagluto ng exotic cuisine, ethnic dances, fluvial parades, torch-lighting processions, oriental games, at mga paputok.

[baguhin] Pagdaos ng Disyembre 25

Sa pagpasok ng Kristiyanismo sa Sanlibutan, sinadya umanong baguhin ng simbahan ang pagdiriwang ng mga pagano at ituon na lamang ang kapiyestahan sa kapanganakan ni Hesukristo. Dito na idineklara ang Disyembre 25 na itinuturing ng mga Romano na sagrado, at ganito rin ang pagkilala ng mga taga-Persia na ang relihiyon ay Mithraism, isa sa mga pangunahing karibal ng Kristiyanismo sa mga panahong iyon.

Hindi matiyak ng mga eksperto sa kasaysayan ang tunay na araw ng kapanganakan ni Hesukristo, ngunit malinaw na sinimulan ang pagdiwang nito noong taong 98 AD.

Noong taong 137 AD, ipinag-utos ng Bishop ng Roma na ipagdiwang sa araw ng kapanganakan ni Hesukristo ang mga kapiyestahan sa pamamagitan ng taus pusong pagdarasal at mga misa.

Noong taong 350 AD, isa pang Obispo ng roma si Julius I ay siyang pumili sa Disyembre 25 na siyang pagdiriwang ng kapaskuhan.

[baguhin] Mga Tradisyon

Bibingka't Puto Bumbong

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga

  • Ang Simbang Gabi - ay kilala din bilang 'Misa de Gallo. Ito ay isang kaugalian ng mga Pilipino kung saan sila ay dumadalo ng siyam na madaling-araw na misa para sa nobena na inaalay kay Birheng Maria. Ito ay nagsisimula tuwing ika-16 ng Disyembre at kadalasang nag-uumpisa ng alas-kuwatro ng umaga.
  • Ang Parol - o star lanterns ay isang napakahalagang simbulo ng Kapaskuhan para sa mga Pilipino. Ang pagsabit ng parol ay isang esensyal na elemento ng Kapaskuhan sa Pilipinas na hindi mawawala sa mga bahay o gusali sa tuwing sumasapit ang Pasko.
  • Ang Bibingka't Puto Bumbong - ay dalawa sa mga tradisyonal na pagkain na nabibili at inihahanda tuwing sumasapit ang Kapaskuhan.
  • Ang Caroling - ay ang pagkanta ng mga batang lalaki at babae ng mga awiting Pamasko at kumakatok sa mga bahay-bahay upang humingi ng aginaldo. Sa ngayon, hindi lamang mga bata ang kumakanta at kumakatok sa bawat tahanan kundi pati mga matatanda mula sa mga organisasyon at iba't-ibang mga samahan.

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.