Lungsod Pasig

Mula sa Wikifilipino
(Ikinarga mula sa Pasig)
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
{{#if: National Capital Region (NCR) | }} {{#if: | }} {{#if: Lone District of Pasig City | }} {{#if: | }} {{#if: | }} {{#if: 30 | }} {{#if: | }} {{#if:31| }} {{#if:505,058| }} {{#if:16,292| }} {{#if:| }}
Lungsod Pasig {{ #if: |
{{{sealfile}}}

}}

Lokasyon
Ph locator ncr pasig.png{{#if:}}
Pamahalaan
Rehiyon National Capital Region (NCR)
Lalawigan
Distrito Lone District of Pasig City
Alkalde {{{major}}}
Pagkakatatag {{{founded}}}
Barangay 30
Website {{{website}}}
Pisikal na Katangian
Saklaw 31 km²
Populasyon
Kabuuan (2000) 505,058
Densidad 16,292/km²
Mga coordinate {{{coordinates}}}


Pasig, na kilala ngayong Lungsod Pasig at nasa Metro Manila, ang kauna-unahang parokya ng Birheng Maria sa Pilipinas. Tinagurian yaong Nuestra Señora de Visitacion (1873-1857). Noong 1587, ang patron ay pinalitan ng pangalan at ginawang Nuestra Sagrada Virgen Maria, La Inmaculada Concepcion.

Bago pa man dumating ang mga Kastila, ang Pasig ay pinamamahalaan ng reynang tinawag na si Kalangitan na ang pinakamatandang anak na babae ay Panginoan [sic, Panginoon?] at ang pinakamatandang anak naman na lalaki ay si Salalila I ["Soliman" sa wikang Arabe o "Solomon" sa wikang Espanyol o Ingles], na naging haring Muslim ng Maynila.

Noong 1571, ang bayan ng Pasig na nasa ilalim noon ng lalawigan ng Tondo ay ipinahayag na reduccion.

Mga nilalaman

[baguhin] Ugat ng Pangalan

Sa mga sinaunang tala ng mga frayleng Agustino, ang "Pasig" ay unang binaybay na "Pasi" noong 1584; naging "Pasic," noong 1587; pinalitan ng "Pasi" noong 1593; at naghunos na "Passi" o "Passic" bago naging "Pasig" noong 1596.

Kung sasangguniin naman ang Vocabulario de la Lengua Tagala (1754) nina Juan de Noceda at Pedro Sanlucar ng Tagalog, ang "Pasig" ay tumutukoy sa baybay o pampang ng ilog. Ang nasabing taguri, kung ibabatay sa mapa ng Pasig, ay marahil may kaugnayan sa tatlong ilog na naglalandas sa Pasig: ang Ilog San Mateo [Ilog Marikina ngayon], ang Ilog Pasig, at ang Ilog ng Bitukang Manok.

Ang pagkakamali ng bigkas, kung gayon, ay mahihinuhang mula sa mga frayleng Espanyol at hindi sa mga Tagalog. Hindi kinilala o nanaig ang "Pasi" o "Pasik" bagkus nanatili ang "Pasig," ayon sa gamit ng mga tao.

[baguhin] Pananakop at Himagsikan

Sinapit ng Pasig ang malagim na pangyayari noong 1603 at 1639, nang mag-aklas ang mga Tsinong dumanas na pagmamalupit sa ilalim ng rehimeng Espanyol. Naghimagsik ang mga Tsino, at sinalakay, winasak, at sinunog ang dalawang simbahan ng Pasig.

Naulit ang madugong pangyayari nang salakayin at kulimbatin ng hukbong Britaniko ang Pasig noong 1762-1764. Hinalughog at dinambong ng mga dayo kahit ang mga batingaw na kanilang tinunaw upang gawing kanyon.

Noong Agosto 29, 1896, pinamunuan ni Kabesang Valentin Cruz ang pagsalakay laban sa mga mananakop na Espanyol doon sa Maybunga. Isang guwardiya sibil ang napatay, at nakuha ng mga maghihimagsik ang mga armas at bala mula sa Tribunal de Naturales. Tinagurian ang nasabing paghihimagsik na "Nagsabado" dahil Sabado naganap ang pagsalakay.

Mahalaga ang posisyon ng Pasig, kaya sinikap noon ng mga Amerikano na makuha ito nang sumiklab ang digmaang Pilipino-Amerikano. Nagpapulong sa simbahan ng Pasig si William Howard Taft, ang pangulo ng Ikalawang Komisyon sa Pilipinas, kasama si Dr. Trinidad H. Pardo de Tavera at ang mga kinatawan ng iba't ibang bayan ng Pasig upang pag-usapan ang pagtatatag ng isang sibiliyang gobyerno.

Noong Hunyo 11, 1901, pinagtibay ng Komisyon ng Pilipinas ang Batas Bilang 137, na nag-aatas ng pagbubuo ng bagong lalawigan ng Rizal.

Binomba ng hukbong Hapones ang Pasig noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nasunog ang tinatayang 1,078 bahay at pumaslang sa mahigit 2,000 tao.

[baguhin] Sakuna at Salot

Naganap noong 1863 ang malakas na lindol na halos paguhuin ang Maynila, ngunit himalang hindi gaanong naapektuhan ang Pasig. Nabiyak lamang ang kampanaryo ng simbahan, at inilipat ang baptisterya. Ngunit pagkaraan niyon, lumaganap ang kolera na pumatay sa 756 residente ng Pasig.

[baguhin] Sanggunian

  1. Santiago, Luciano P.R. "The Virgin on the Crescent Moon: A Marian History of Pasig," sa Lungsod ng Pasig: Pinanggalingan, Paroroonan, Ika-425 Anibersaryo (Hulyo 2, 1573-1998), Alvarez, Josefina A., ed. Pasig: Araw ng Pasig Foundation, 1998.
  2. Tech, Dean Carlos. "Glorious, "Tragic March of History: Pasig Through the Ages," sa Pasig: Noon, Ngayon, at Bukas, nd.
  3. Ramos-Ilagan, Nena. "Historical Highlights" sa Lungsod ng Pasig: Pinanggalingan, Paroroonan, Ika-425 Anibersaryo, (Hulyo2, 1573-1998).

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.