Parol

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Ang hugis ng orihinal na Parol

Ang Parol o star lantern sa wikang Ingles ay isa sa mga pamosong Pamaskong tradisyon sa Pilipinas. Ito ay isinasabit sa labas ng mga bahay at nagsisilbing dekorasyon tuwing Kapaskuhan. Ang parol ay sumasagisag sa bituin ng Bethlehem, ang ilaw na gumabay sa tatlong hari noong ipananganak si Hesus. At dahil ang Pilipinas lamang ang may pinakamadaming bilang ng Katoliko, ang parol ay naging simbolo ng selebrasyon sa kapanganakan ni Hesus para sa mga Filipino. Ito din ay tinuturing na pinakamahalagang simbolo ng Kapaskuhan sa Pilipinas.

Ang mga patpat na gawa sa kawayan, papel de hapon, at crepe paper ang mga tradisyonal na materyales na ginagamit sa paggawa ng parol. Sa makabagong panahon, gumagamit na ng mas matibay na materyales tulad ng plastik, cellophane, papel at capiz sa paglikha ng parol. Ang nakasanayan na kandila at oil lanterns ay napilatan ng de-kuryenteng bumbilya. Ano man ang ginamit na materyales o kung kailan mang panhon ito ginawa, ang mga parol ay sadyang nililikha na may iba't-ibang sukat, hugis at disenyo, subalit nananatili pa rin ang mukha nitong hugis bituin.

Ang Lungsod San Fernando, Pampanga ay kilala sa paggawa ng mala-higanteng parol na may kumikislap-kislap at nagiiba-ibang kulay na ilaw sa loob ng parol. Sa tuwing ginaganap ang kanilang Giant Lantern Festival, nagpaparada sila ng mga parol na may taas na 15 metro at ang iba naman ay ginagamitan ng hanggang 16,000 na bumbilya sa loob ng nito.

[baguhin] Kasaysayan

Ang makabagong hugis ng Parol, ginamitan ng Capiz shells

Ang paggawa ng parol ay nagumpisa noong nagsimula ang Kristianismo sa Pilipinas. Ang salitang parol ay hango sa salitang Kastila na "farol." Ang parol ay sinasabing nag-ugat sa piñata ng mga Mexicano, na tulad ng parol ay ginagamitan din ng crepe paper. Ang piñata ay nagmula sa bansang Italya, idinala sa España at sa Mexico. Mula sa Mexico, nakarating ito sa Pilipinas kasabay ng pagpunta ng mga Kastila at paglaganap ng Kristianinsmo sa bansa.

Ayon sa kasaysayan ng parol, ang orihinal na tungkulin ng parol ay ang pagbibigay tanglaw sa dinadaanan ng mga parokyano papuntang simbahan para dumalo sa simbang gabi. Ang mga parol ay noon ay may hugis krus at sa halip na itago ang mga ito, isinasabit ang mga ito sa labas ng kanilang mga bahay. Dahil dito, nagkaroon ng kumpetisyon ang magkakapitbahay sa paggawa ng may pipnakamagandang parol. Ang tipikal na disenyo na nagresulta sa paglikha nito ay ang hugis bituin--may limang nakasurot na tulis at dalawang tassle o buntot na nagmumungkahi ng buntot ng kometa. Ang paglikha ng parol ay pinayagan ng Simbahan na nagresulta sa paglaganap ng paggawa ng mga parol bilang bahagi ng sining.

[baguhin] Sanggunian

  • My Parol. (hinango noong Disyembre 13, 2008).
  • Seasite. (hinango noong Disyembre 13, 2008).

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.