Panulaan

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula.

Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin, at lalabing-waluhing pantig. Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay. May tugma at sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya naman ay mahaba.

Mga nilalaman

Mga anyo ng tula

  • Malayang taludturan
  • Tradisyonal
  • May sukat na walang tugma
  • Walang sukat na may tugma

Mga uri ng tula

  • Liriko o pandamdaming tula
    • Awit/Kanta - tungkol sa pag-ibig; hal.kundiman
    • Dalit/Hymno - tungkol sa pagpapala sa Diyos, sa pagawit na pamamaraan.
    • Elihiya - mapanglaw; tungkol sa kamatayan o kalungkutan
    • Oda - matayog na damdamin o kaisipan (paghanga o pagbibigay parangal)
    • Soneta - binubuo ng 14 taludtod o linya; nangangailangan ng mabigat o matinding pagkukuro-kuro
  • Nalalarawan - naglalahad ng pangyayari
  • Naratibo o nagsasalaysay
  • Padula/Drama
  • Tulang may aral - nagbibigay ng pahayag kung anong dapat mong gawin; halimbawa: balagtasan
  • Pampagkataon - may tiyak na pagdiriwang
  • Balagtasan
  • Duple

Elemento ng tula

  • Saknong - isang grupo ng mga salita sa loob ng isang tula na may dalawa o higit pang taludtod.
  • Sukat - bilang ng pantig ng tula.
  • Tugma - pinag-isang tunog sa hulihan ng mga taludtod.
    • Hindi buong rima (assonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa patinig.
    • Kaanyuan (conssonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa katinig.
    • Nagpapaganda sa diwa ng tula ang alin mang paraan ng pagtutugma:
      • Mga salitang nagtatapos sa b, k, d, g, p, t, s ay nagtutugma ang dulumpatig
      • Mga nagtatapos sa l,m, n, ng, w, r, y
  • Sining o kariktang - paggamit ng pili, angkop at maririkit na salita. Nagbibigay ng pangkalahatang impresyon sa bumabasa.
  • Talinghaga - tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.
    • Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan upang ilantad ang talinghaga sa tula
  • Anyo - porma ng tula.
  • Tono/Indayog - diwa ng tula.
  • Persona - tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan

Padron:Link FA

Pagkilala

Smallwikipedialogo.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Panulaan. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.