Pangkalahatang halalan sa Pilipinas, 2010

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang halalan para sa pagkapresidente ng Pilipinas, kasama ang lehislatibo at lokal na pamamahala, ay gaganapin sa 10 Mayo 2010. Ito ang magiging unang eleksyon sa kasaysayan ng Pilipinas na gagamit ng kompyuter sa pagtatala ng mga boto. Pamumunuan ito ng Commission on Elections sa ilalim ng Republic Act No. 9369 o ang Amended Computerization Act of 2007.

Ang mahahalal na pangulo ay susunod kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na hindi na maaaring tumakbo dahil sa mga limitasyon ng konstitusyon. Ang mahahalal na bise-presidente ay susunod kay Noli de Castro, na walang inihayag na planong tumakbo muli. Ang mga mahahalal na mambabatas ay sasali sa mga nahalal na senador sa nakaraang eleksyon noong 2007 upang mabuo ang ika-15 Kongreso ng Pilipinas.


Mga nilalaman

[baguhin] Paggamit ng Kompyuter

Pagkatapos ng pangkalahatang halalan noong 1992, nag-umpisa ang pagsulong patungo sa paggamit ng kompyuter upang magtala ng boto. Ginanap ang unang pagsubok sa paggamit ng Optical Mark Reader (OMR) noong 1996 sa halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). Isang bahagyang implimentasyon ang isinagawa sa ARMM para sa eleksyon ng 1998 ngunit itinigil ang paggamit ng sentrong sistema sa pagbibilang noong 2004. Isang kabuuang pagsubok ang isinagawa para sa eleksyon ng ARMM noong 2008.

Sa 2010, nakatakdang magpatakbo ang COMELEC ng eleksyon gamit lamang ang kompyuter. Ang sistemang ito ay gagamit ng makinang Precinct Count Optical Scan (PCOS). Ang kompyuter ang mag-aasikaso sa eleksiyon mula sa pagbilang ng boto hanggang sa pagtala ng mga resulta.

[baguhin] Eleksyon

Ang presidente at bise-presidente ay ihahalal nang magkahiwalay. Hindi rin kailangan na magkapareho ang partido ng mga mananalo. Sila ay manunungkulan ng anim na taon, hanggang 2016.

Ang mga kandidato para sa pagpresidente ay sina Benigno "Noynoy" Aquino III (Partido Liberal), JC De los Reyes (Ang Kapatiran), Joseph Estrada (Partido ng Masang Pilipino), Richard Gordon (Bagumbayan-Volunteers for a New Philippines), Jamby Madrigal (indipendiyente), Nicanor Perlas (indipendiyente), Gilberto Teodoro Jr.(Lakas-Kampi-CMD), Eddie Villanueva (Bangon Pilipinas Movement), at Manny Villar (Partido Nacionalista).

Ang mga kandidato para sa pagkabise-presidente ay sina Jejomar Binay (Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan), Dominador Chipeco Jr. (Ang Kapatiran), Bayani Fernando (Bagumbayan-Volunteers for a New Philippines), Loren Legarda (Partido Nacionalista), Edu Manzano (Lakas-Kampi-CMD), Mar Roxas (Partido Liberal), Jay Sonza (Kilusang Bagong Lipunan), and Perfecto Yasay Jr. (Bangon Pilipinas Movement).

Labindalawa sa dalawampu't-apat na upuan sa senado ay ibibigay sa mga mangunguna sa mga boto. Ang mga mahahalal ay magsisilbi ng anim na taon. Ang mga mahahalal sa House of Representatives ay magsisilbi ng tatlong taon. Mayroong 187 na partidong nagtatagisan para sa 55 upuan sa House of Representatives. Ang isang botante ay maghahalal ng isang partido at hindi ang mga miyembro ng partidong iyon. Ang unang nominado na magkakamal ng 2% o higit pa ng mga boto ay mangangatawan ng partido niya sa kongreso. Gagamitin ang Carpio Formula kung sakaling mahigit sa isa ang mahalal upang mangayawan sa kanyang partido.

Sa mga lokal na eleksyon isasagawa ang pagboto sa mga gobernador, bise-gobernador, at miyembro ng board para sa mga probinsya, at alkalde, bise-alkalde, at mga councilor para sa mga siyudad at mga bayan.

[baguhin] Mga Makinang PCOS

Nagdulot ng pagkaabala ang pagkaantala ng makinang gagamitin para sa eleksyon at maaaring maantala rin ang mga ibang proseso na kaugnay rito, gaya ng pagtuturo sa mga guro sa paggamit ng mga makina. Noong Disyembre 2009, 30,000 sa ipinangakong 42,000 na makina ang naipadala. Ayon sa Comelec, ang pagkaantala ng pagdeliver ng mga ito ay dulot ng mataas na presyo ng pagpapadala tuwing kapaskuhan. Noong 28 Pebrero 2010, ipinahayag ng Comelec na lahat ng 82,200 na makina ay naipamahagi na at lahat ng 76000 na presintong pagdarausan ng eleksiyon ay mayroong tig-iisang makina at may reserbang 6000. Noong 3 Marso 2010, isinagawa na ang dalawang araw na training ng 150,000 gurong magsisilbing Board of Election Inspectors kung saan sila ay tinuruan ng wastong paggamit ng mga makina. Binibigyan sila ng pagsusulit upang matiyak ang kanilang pagkakaintindi ng mga proseso. Isinasagawa ito ng grupo-grupo at inaasahang matapos sa 23 Marso.

[baguhin] Ang Ladlad

Pinagbawalan ng Comelec Second Division na pinamumunuan ni Commissioner Nicodemo Ferrer ang grupong Ang Ladlad na ipinakikipaglaban ang mga karapatan ng mga bakla upang kumatawan sa talaan ng Mayo 2010. Ayon sa resolusyon ng dibisyon na ipinahayag noong 11 Nobyembre, ito ay naghahasik diumano ng imoralidad. Hindi rin nakapasa sa pamantayan ang grupo mula sa paglahok sa eleksiyon ng 2007 dahil, ayon sa dibisyon, ay gawa ng kakulangan sa mga miyembro.

Nagsumite ang grupo ng petisyon na 26 na pahina ang haba sa Korte Suprema. Kinalaunan, pinahintulutang lumahok sa eleksyon Ang Ladlad noong 12 Enero 2010.


[baguhin] Pagbibitiw ng mga Opisyal

Noong 22 Pebrero, inutos ng korte suprema ang pagbibitiw sa pwesto ng mga opisyal upang maging patas ang eleksyon. Kinalaban ito ng abogado ng Malacañang na si Romulo Macalintal, na nagsabing sa pagsasaad nito ay ipinapahiwatig ng korte suprema na ginagamit ng mga opisyal ang kanilang posisyon upang maimpluwensyahan ang eleksyon. Tinanggihan ng korte suprema ang apilang ito noong 3 Marso at iniutos na ang mga opisyal na tatakbo sa Mayo ay magbibitiw na sa pwesto. Ito ay alinsunod sa mga patakaran ng eleksyon.

[baguhin] Mga Diskwalipikado

99 ang mga nagsumite ng kanilang sertipiko ng kandidasya ngunit walo lamang ang naaprubahan ng Comelec. Kasama sa mga hindi pinahintulutang tumakbo ay sina Oliver Lozano, Mark Jimenez, at ang abogadong si Eli Pamatong. Nadiskwalipika si Perlas ngunit siya ay umapila at napayagang tumakbo ng Comelec noong 14 Enero 2010 dahil mayroon daw siyang kasaysayan ng serbisyo publiko, kakayanang magtaguyod ng pambansang kampanya gamit ang makabagong media, at may suporta ng isang organisasyon. Inapila naman ni Pamatong na madiskwalipika sina Aquino, Teodoro, at Villar dahil diumano sa kanilang paglabag sa mga alituntunin ukol sa maagang pangangampanya. Inapila rin ni Pamatong kasama nina Evillo Pormento at Marilou Estrada ang pagdiskwalipika kay Joseph Estrada base sa alituntunin sa konstitusyon na nagbabawal sa isang naging presidente na ng Pilipinas sa pagtakbong muli. Noong 4 Marso 2010, nadiskwalipika si Vetellano Acosta kahit na nakalahad na sa mga balota ang kanyang pangalan. Naghain ng reklamo ang Partido Liberal na magdadala lang ng kalituhan ang pangalan ni Acosta sa mga botante dahil mauuna ito sa pangalan ni Noynoy Aquino kahit na siya ay malinaw na nuisance candidate lamang daw dahil ayon sa Kilusang Bagong Lipunan na diumano'y partida ni Acosta na wala raw itong kinalaman sa grupo.


[baguhin] Dahas na Dulot ng Eleksyon

Noong 23 Nobyembre 2009, 57 na katao, kasama ang asawa at ilang kaanak ng bise-alkalde ng Buluan na si Ismael “Toto” Mangudadatu, at mga miyembro ng media, ay tinambangan at pinaslang ng mahigit-kumulang 100 armadong tao na sinasabing pribadong hukbo ng alkalde ng Datu Unsay na si Andal Ampatulan Jr., na kinalaunan ay nadakip naman. Malalaking taguan ng mga armas ang natagpuan sa kanyang lupain. Noong 4 Disyembre, nagdeklara ng Batas Militar si Presidente Gloria Macapagal-Arroyo, na dating kakampi ng mga Ampatulan.

[baguhin] Pampanguluhan Halalan

[baguhin] Mga Talaan ng Opinyon

[baguhin] Social Weather Stations

Social Weather Stations: Under the present Constitution, the term of Pres. Arroyo is only up to the year 2010, and there will be an election for President in May 2010. Who in your opinion are the good leaders who should succeed President Arroyo as President?
Person Sep '07<ref name="sws_dec07">Social Weather Stations</ref> Dec '07<ref name="sws_dec07"/> Mar '08 Jun '08
Cayetano, Alan Peter 1% 3%  %  %
Estrada, Joseph 5% 9% 14% 11%
De Castro, Noli 25% 30% 35% 31%
Escudero, Francis 13% 15% 19% 14%
Estrada, Jinggoy 1% 2%  %  %
Lacson, Panfilo 18% 13% 12% 16%
Legarda, Loren 44% 23% 30% 26%
Pangilinan, Francis 3% 2% 2% 2%
Roxas, Mar 9% 20% 16% 13%
Santiago, Miriam 3% 4%  %  %
Trillanes, Antonio IV 4% 3%  %  %
Villar, Manny 18% 27% 17% 25%
Don't know 12% 12% 11% 15%
None 6% 5% 5% 8%
Notes:<ref>SWS: De Castro, 3 others are top 2010 bets, ABS-CBNNews.com</ref><ref>sws.org.ph, Second Quarter 2008 Social Weather Survey: Noli De Castro, Loren Legarda, and Manny Villar are the people's top recommendees for 2010</ref>
  • Ang mga tinanong ay pinayagang pumili ng hanggang sa tatlong tao kaya ang bilang ay maaaring lumagpas sa 100 bahagdan.
  • Ang mga tugon na mababa sa 2 bahagdan ay hindi na isinama.
  • Sample: 1,200, tig-300 sa Kalakhang Maynila, natitirang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.
  • Margin of error: ±3% for national percentages and ±6% for area percentages<ref>www.sws.org, Table 1</ref>

[baguhin] Pulse Asia

Pulse Asia: Of the people on this list, whom would you vote for as President of the Philippines if the elections were held today and they were presidential candidates?
Person 2/21-3/8/'08
De Castro, Noli 21.5%
Legarda, Loren 17.5%
Escudero, Francis 13%
Roxas, Mar 10.5%
Lacson, Panfilo 9.9%
Villar, Manny 9.3%
No Answer
Refused to answer
Undecided
6.8%
Estrada, Jinggoy 3.3%
Trillanes, Antonio IV 3%
Fernando, Bayani 1.4%
Binay, Jejomar 1.2%
Gordon, Richard 0.7%
Esperon, Hermogenes 0.4%
Belmonte, Feliciano 0.3%
Teodoro, Gilbert 0.3%
Ermita, Eduardo 0.1%
Meloto, Antonio 0.1%
Notes:<ref>De Castro is top bet for 2010 polls, Inquirer.net</ref>
  • Survey was conducted during a period that was dominated by headlines on the Senate investigation into the NBN-ZTE issue, protest actions demanding President Gloria Macapagal-Arroyo’s resignation, the controversy over a joint exploration deal between the Philippines and China in the Spratlys and the rise in prices of oil and other basic goods.
  • Sample: 1,200, tig-300 sa Kalakhang Maynila, natitirang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.
  • Margin of error: ±3% for national percentages and ±6% for area percentages
Pulse Asia: Of the people on this list, whom would you vote for as President of the Philippines if the elections were held today and they were presidential candidates?
Person 7/1-14/'08
De Castro, Noli 22%
Estrada, Joseph 16%
Escudero, Francis 14%
Legarda, Loren 14%
Villar, Manny 12%
Roxas, Mar 8%
Lacson, Panfilo 5%
Binay, Jejomar 2%
Fernando, Bayani 1%
Puno, Ronaldo 0.2%
Notes: <ref>abs-cbnnews.com, Erap back in public mind for 2010 polls</ref>
  • Sample: 1,200.
  • Margin of error: ±3%

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Mga panlabas na Kawing

[baguhin] Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.