Pang-uri

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang pang-uri ay isang bahagi ng pananalita na binabago ang isang pangngalan, karaniwang sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular ito. Gayon man, hindi kinikilalang uri ng salita sa pangkalahatan ang pang-uri; sa ibang salita, may mga ilang wika ang hindi gumagamit ng mga pang-uri. Halimbawa, walang pang-uri ang mga wikang Intsik. Ang pang-uri ay nagbibigay ng turing sa isang pangngalan o panghalip. pamagat ng ugnay Ang mga pinakakinikilalang mga pang-uri ay iyong mga salita katulad ng malaki, matanda at nakakapagod na sinasalarawan ang mga tao, mga lugar, o mga bagay.

Mga nilalaman

[baguhin] Pagkayari at uri ng pang-uri sa wikang Tagalog

[baguhin] Pagkayari

May apat na pagkayari ang mga pang-uri. Ito ay ang mga sumusunod:

  • Payak - Ito'y binubuo ng mga salitang-ugat lamang. Mga halimbawa: hinog, sabog, ganda
  • Maylapi - Ito'y mga salitang-ugat na kinakabitan ng mga panlaping Ka-, ma-, main, ma-hin, -in, -hin, mala-, kasing-, kasim-, kasin-, sing-, sim-, -sin, at kay-.
  • Inuulit - Ito'y binubuo sa pamamagitan ng pag-ulit ng buong salita o bahagi ng salita. Mga halimbawa: pulang-pula, maputi-puti, dala-dalawa
  • Tambalan - Ito'y binubuo ng dalawang salitang pinagtatambal. Mga halimbawa: ningas-kugon, ngiting-aso, kapit-tuko

[baguhin] Uri

May dalawang uri ang mga pang-uri.[1][2] Ito ay ang mga sumusunod:

  • Pang-uring naglalarawan - Nagpapakilala ng uri o kabagayan ng isang pangalan o panghalip.
  • Pang-uring pamilang - Nagpapakita ng bilang ng pangngalan o panghalip.
    • Pamilang na patakaran o kardinal - ginagamit sa pagbilang o sa pagsasaad ng dami
      • Kardinal na pamahagi - ginagamit kung may kabuuang binabahagi o pinaghahati-hati.
      • Kardinal na palansak o papangkat-pangkat - nagsasaad ng bukod sa pagsasama-sama ng anumang bilang, tulad ng tao, bagay, pook atbp.
      • Kardinal na pahalaga - nagsasaad ng halaga ng mga bagay.
    • Pamilang na panunuran o ordinal - ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakasunud-sunod ng tao, bagay, hayop, lugar at gawain. May panlapi itong ika- o pang-.

[baguhin] Mga sanggunian

[baguhin] Pagkilala

Smallwikipedialogo.png Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Pang-uri. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.



Kamalian sa pagtukoy: Umiiral na ang mga tatak na <ref>, subalit walang natagpuang tatak na <references/>