Panahon ng lumang bato

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

[baguhin] ANG MGA PINAGKUKUNANG-YAMAN NG MGA UNANG PILIPINO

Ayon sa mga eksperto, ang pilipinas ay dating karugtong ng "BORNEO" sa bahaging PALAWAN,TAWI-TAWI at SULU.Ito raw ang dahilan kung bakit ang ilan sa mga uring hayop, halaman at punong kahoy sa Timog-Silangang Asya ay katulad din ng matatagpuan sa ating mga kabundukan at kagubatan noong unang panahon. Pinatutunayan din ito ng mga buto ng mga hayop na nahukay ng mgaantropologo sa iba't ibang bahagi ng kapuluan.Ang ilan dito ay ang mga buto ng buwaya, elephante, higanteng pagong, usa, isda, ahas at baboy. Dahil sa mga pinagkukunang-yamang ito ay ating mahihinuha na ang mga unang pilipino ay hindi gaanong nag-danas ng hirap sa pag-hahanap ng kanilang ikabubuhay. Dagdagp rito ang katamtamang klima ng bansa na nakatulong nang malaki sa pagkakaroon ng masaganang ani na kanilang napakinabangan.



[baguhin] LUMANG PANAHON NG BATO

Sa panahong ito ay natuklasan ng mga antropologo na ang ating mga ninuno ay gumagamit ng mga matitigas at madaling hubuging mga bato bilang mga kasangkapan. Mayroon din namang natagpuang malalaking bato na ang mga tagilirang bahagi ay maingat na kininis.Hindi pa sila(taong tabon) marunong mag-luto ng kanilang pag-kain, dahil hindi pa nila natutuklasan ang apoy.



[baguhin] BAGONG PANAHON NG BATO

Ang bagong panahon ng bato ay kinakitaan ng pagsulong sa paran ng pamumuhay ayon sa mga labing nahukay ng mga antropologo. Ang mga kasangkapan ginagamit ng mga unang pilipino ay mas makinis, makintab, matutulis at matatalim. Ang mga tao noon ay natuto nang magtanim at magsaka sa pamamagitan ng paggamit ng mga kasangkapang madaling makaputol at makahukay. Ang naging pangunahin nilang tanim ay palay, gabi, tugi, saging, bunga at kawayan. Nangangaso rin sila ng mga hayop na makakain.