Pampanga

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Rehiyon ng Gitnang Luzon
(Rehiyon III) | Pampanga | 2 | 20 | 537 | 2,180.7| 1,882,730| 863|
Pampanga
Lokasyon
Rehiyon III Gitnang Luzon.jpg
Pamahalaan
Rehiyon Rehiyon ng Gitnang Luzon
(Rehiyon III)
Lalawigan Pampanga
Lungsod 2
Munisipalidad 20
Kabisera
Barangay 537
Pisikal na Katangian
Saklaw 2,180.7 km²
Ika-23 pinakamaliit| (Ika-23 pinakamaliit)
Populasyon
Kabuuan (2000) (Ika-10 pinakamalaki)
Densidad 863/km²
Ika-4 pinakamalaki| (Ika-4 pinakamalaki)


Kung nais ninyong mabása ang bersiyong Ingles nito, pindutin ang Pampanga


Ang Pampanga ay malalim sa kasaysayan at pinagpala sa likas na yaman.Ito ay maraming maipagmamalaking pook na pamamasyalan para sa mga nais bumisita. Pampanga ang itinuturing na sentro ng kulinaryo dahil sa dami ng mga residente na magagaling magluto. Lungsod ng San Fernando ang kabisera ng lalawigan, na sikat sa pagsasadula ng pagpako sa krus ng Panginoong Hesukristo. Sikat din ang lugar na ito sa naggagandahang parol.

Mga nilalaman

[baguhin] Heograpiya

Ang Pampanga ay nasa hanggahan ng Tarlac at Nueva Ecija sa hilaga, ng Bulakan sa silangan, ng Bataan sa timog at ng Zambales sa kanluran. Binubuo ng 2,180.7 kilometro kuwadrado ang buong Pampanga. Ang lalawigan ay binubuo ng 20 munisipalidad at dalawang lungsod.

Ang populasyon ay 1,882,730 ayon sa Pambansang Tanggapan ng Estadistika.

[baguhin] Pinagmulan

Ang pangalang Pampanga ay ibinigay ng mga Kastila sa lalawigan dahil natagpuan nila ang mga unang naninirahan dito sa tabi ng pampang. Ang lalawigan ay nabatid ng Kastilang si Martin de Goiti noong 1571. Ang lalaking capampangan ay kilala sa pagiging galante at magaling mamuno habang ang babae naman ay kilala sa pagiging mahusay magluto. Ang Pampanga ay isa sa mayayamang lalawigan sa Filipinas. Muling itinatag ito ng mga Kastila noong 11 Disyembre 1571 upang magkaroon ng kontrol ang gobyerno sa mga mamamayan nito. Hinati ang lalawigan sa mga bayan. Bawat bayan ay hinati sa apat na distrikto at ang iba naman ay hinati sa enkomiyenda. dahil sa labis na pang- na hinati ulit sa apat na distrikto at ang iba naman ay hinati sa encomienda. Dahil sa labis na pang-aabuso ng mga enkomendero ay ipinagbawal ng hari ng Espanya ang enkomiyenda noong 1574 ngunit ito ay naipatupad lamang hanggang matapos ang 1620. Ang ilang bahagi ng Bataan, Bulakan, Nueva Ecija, Pangasinan, Tarlac at Zambales ay dating nasasakupan ng Pampanga.

Ang Pampanga ay tinitirhan ngayon ng mahigit sa isang milyong tao. Isa sa mayayamang lalawigan ang Pampanga noong rehimen ng Kastila. Ang Maynila at ang iba pang bahagi ng rehiyon ay nakadepende sa agrikultura, sa palaisdaan at sa mga produktong pangkagubatan ng Pampanga.


[baguhin] Wika

Kapampangan, Ingles at Tagalog ang ginagamit at nauunawaang wika sa buong lalawigan. .

[baguhin] Ekonomiya

Pagsasaka at pangingisda ang pangunahing industriya sa lalawigan. Bigas at tubo ang mga pangunahing produkto. Ang iba pang produkto ay ang saging, mangga, at talong. Nagbebenta din sila ng parol tuwing sasapit ang kapaskuhan.

[baguhin] Sanggunian

Pampanga Pampanga (hinango noong 7 Nobyembre 2007).


"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.