Pambansang Museo ng Pilipinas

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang Pambansang Museo ng Pilipinas ay ang insitutusyong itinatag ng pamahalaan ng Pilipinas bilang taga-konserba ng kayamanang likas at kultural ng Pilipinas. Kasama sa koleksiyon nito ang Tapayan sa Manunggul, ang Spoliarium ni Juan Luna at ang mga bagay na nakuha mula sa naanod na galyong San Diego.

Ang pakay ng Museo ay ipalago ang kaalaman ukol sa sariling kultura at ang nasyonalismo ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng koleksyon at proyekto nitong ukol sa agham, edukasyon, at kultura. Itinatag ito noong 1901 bilang museo ng etnograpiya at ng pag-aaral sa kalikasan, at sa pagdaan ng taon ay nilagay sa gusaling idinesenyo noong 1918 ni Daniel Burnham (ang dating Old Congress Building) na hanggang ngayon ay ang sentral na gusali ng Museo. Lumawak ang mga kaugnayan ng Museo sa mga sining at agham sa pagdaan ng taon, kaya ngayon ang mga koleksiyon at opisina ng Sining at ng Agham ay nasa lumang gusali habang ang mga koleksiyon at opisina ng Arkeolohiya at Antropolohiya ay nasa ibang gusali na malapit, ang dating Finance Building sa Agrifina Circle ng Rizal Park, na ngayon ay tinatawag na Pambansang Museo ng mga Pilipino.

Reperensya

Padron:Pilipinas-stub