Palayok sa Calatagan

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

May taas na 12 sentimetro at lapad na 20.2 sentimetro ang tinaguriang Palayok sa Calatagan na kulay luad. Ang ipinagkaiba nito ay may nakaukit doong sinaunang titik o baybayin, at patunay na nagtataglay na ang mga katutubo noon ng sariling alpabeto bago pa man dumating sa kapuluan ang mga dayong mananakop. Naglaho na ang gayong uri ng pagsusulat, at maaaring nalibing ang lahat ng gunita sa lupain ng Talisay, Calatagan, Batangas noong siglo 14–15. Isang aral iyon sa mga Filipino na dapat nitong paghusayin ang pagpapanatili at paglilinang ng sariling wikang matatatak sa isip at puso habambuhay.

Sanggunian

  • Paterno, Maria Elena. Treasures of the Philippine National Museum. Lungsod Makati: Bookmark, 1995.

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.