Palayok

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Tumutukoy ang palayok sa uri ng sisidlan na mula sa hinubog na luad at ibinilad sa init o kaya'y idinarang sa matinding apoy, kung hindi man inihurno, upang tumigas. Karaniwang malalim ang loob nito, at may labi ang pinakabutas na inaangkupan ng takip. Ginagamit ito sa pagluluto o kaya'y lalagyan ng ulam o kanin. Sa modernong panahon, ang palayok ay lumampas na sa orihinal nitong silbi at ginagamit nang palamuti sa bahay o bakuran, at pinaglalagyan ng mga kendi, barya, o kaya'y halamang ornamental.

Sanggunian

Almario, Virgilio S., punong editor, at Roberto T. Añonuevo, Romulo P. Baquiran, Jr., Jesus Manuel Santiago, mga katuwang na editor. UP Diksiyonaryong Filipino. Lungsod Pasig: Anvil Publishing Inc., 2001.

"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"

Pagkilala

Wikifilipino.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.