Pahayagan

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Ang kauna-unahang naimprentang perydiko ay inilathala noong 1605, at nakikipagsabayan pa rin kahit umusbong na ang mga bagong teknolohiya tulad ng radyo, telebisyon, at ang internet. Dahil sa mga bagong pag-papaunlad sa internet, nagkaroon ng pagsubok sa industriya ng mga peryodiko. Bumaba ang sirkulasyon nito sa mga bansa, kaya't ang iba ay lumilipat mula imprenta patungo sa internet online, na nagdulot ng pagbaba ng kita sa mga peryodiko. May mga lumalabas ng mga prediksyon na baka lumiit o mawala na ang halaga nito, ngunit batay sa kasaysayan, hindi nalagpasan ng mga bagong teknolohiya tulad ng radyo at telebisyon ang mga nakalimbag na media.

[baguhin] Nilalaman

Pangkalahatan ang nilalaman nito. Kadalasang mga pangkasalukuyang mga balita ang nakalimbag. Maaaring ito ay mga pangyayari sa pulitika, balita sa ibang bansa, kalakalan, kultura, palakasan, at mga opinyon (alinman sa editoryal, kolum o guhit-larawang pulitikal). Ang mga Peryodiko ay kadalasang gumagamit ng mga larawan upang ipakita ang mga kwento.

Ang iba pang maaaring ilagay sa peryodiko/pahayagan ay:

  • Ulat panahon
  • Tudling ng Pagpapayo
  • Mga tala ng mga palabas sa pelikula at teatro, restoran atbp.
  • Editoryal
  • Mga balitang shobis
  • Mga palaisipan, krosword, at mga oroskopyo
  • Pampalakasan
  • Mga biro at katatawanan
  • Lathalain
  • Mga balitang pangdayuhan
  • Pangmukhang pahina

[baguhin] Tingnan din

[baguhin] Pagkilala

May kamalian sa paglikha ng kagyat (''thumbnail''): Hindi nasagip ang kagyat sa kapupuntahan
Hinango sa Wikipedia ang nilalaman ng pahinang ito na nagmula sa Pahayagan. Ang talaan ng mga may-akda ay makikita sa pahina-kasaysayan. Kahalintulad ng Wikipedia, binibigyang-pahintulot ng WikiFilipino ang muling paggamit at pakikinabang sa mga nilalaman nito sa ilalim ng GNU Free Documentation License. Basahin ang kumpletong pagtatanggi/pagtatatwa.