Pagsalubong sa Bagong Taon

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Paputok.jpg

Sa Pilipinas ay ipinagdiriwang ang pagsalubong sa pagpasok ng bagong taon sa napakamakulay at napakasayang pamamaraan. Dahil dito ay marami sa mga manggagawang Pilipino na nasa ibang bansa ang tunay na nalulungkot kung hindi nila nararanasan ang pagsalubong ng bagong taon sa sarili nilang bansa. Tunay na iba pa rin ang maging isang Pilipino sapagkat dito lamang sa bansang Pilipinas matitikman ang tradisyon ng mga Pinoy pagdating sa kinagigiliwang pagsalubong sa pagpasok ng bagong taon. Isang tradisyong pinaka-kakaiba sa lahat sapagkat ang espiritu ng tunay na pag-ibig at pagbibigayan ay sa mga pamilyang Pilipino lamang mararanasan.

Mga nilalaman

[baguhin] Paghahanda Bago Mag-alas Dose ng Gabi

  • Pinaniniwalaan ng mga Pilipino na upang maging masagana ang pagpasok ng bagong taon at maging maluwag ang pagpasok ng pera sa isang buong taon ay dapat na maglagay ng salapi o pera sa loob ng bulsa.
  • Upang makapanghikayat ng pagpasok ng salapi, magsuot ng damit na polka dots o damit na may bilog-bilog na disenyo.
  • Upang higit na maging masagana ang takbo ng buhay sa loob ng isang taon, magtabi ng bigas, asin at asukal
  • Maglinis na mabuti ng mga tahanan
  • Magluto ng pansit (ang noodles daw ay sumisimbolo ng isang mahabang buhay)
  • maghanda ng labindalawang bilog na prutas sa hapag-kainan gaya ng cantaloupe, ubas, peach, orange, plum, promenade, pakwan, lemon, pear, apple, chico, at avocado
  • Inirerekomenda para sa medya noche ang paghahanda ng mainit na tsokolate, hiniwa-hiwang tinapay, spaghetti, hotdog, keso, pork o chicken barbecue, pansit, lumpiang shanghai, menudo, at afritada.

[baguhin] Paghahanda Pagsapit ng Bagong Taon

  • Sa ganap ganap na alas-dose ng hatinggabi, buksan lahat ang mga pinto, bintana, at mga ilaw upang pumasok ang swerte sa loob ng bahay
  • Upang madagdagan ang pagtaas o mas maging matangkad, tumalon nang paulit-ulit
  • Lumikha ng ingay upang mapaalis ang malas- kalampagin ang mga kaldero at kawali, magpatugtog nang malakas, sabayan ng tawanan at sigawan
  • magpailaw ng mga lusis, kwitis, ngunit mag-ingat sa malalakas at mapanganib na mga paputok gaya ng rebentador, triangulo at iba upang makaiwas sa disgrasya
  • Salu-salong kumain ng medya noche at pagsaluhan ang biyaya ng Panginoon na may kasamang pasasalamat at paghingi ng patrawad
  • Ilabas ang karaoke, maghanda ng bote ng alak at pulutan ngunit ipinapayong uminom lamang ng katamtaman. Umawit at magsaya kapiling ng mga mahal sa buhay.

At sa unang araw ng Enero, isama ang pamilya sa pamamasyal. Kumain nang magkakasalo at magkaroon ng “family bonding”. Ang bagong taon ang panahon nang pagsasama-sama ng bawat miyembro ng pamilyang Pinoy at mga malalapit na kaibigan. Ito rin ang panahon nang mataos na pasasalamat sa Diyos na patuloy na namamahagi ng kanyang mga biyaya, pag-ibig at pagkalinga sa lahat ng Kanyang pinakamamahal na anak.

Isang masagana, mapayapa, at napakamasayang bagong taon sa lahat!

[baguhin] Sanggunian

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino footer.png Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation License. Tingnan ang pagtanggi.